^

PSN Palaro

Gilas posibleng suwertihin sa draw

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng ibang mga koponan ang makakasagupa ng Gilas Pilipinas ukol sa gagawing draw ng FIBA para sa 32 bansang sasabak sa 2019 World Cup sa China sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15.

Noong 2014 FIBA World Cup na idinaos sa Spain ay nakaharap ng Pilipinas sa first round ang Croatia, Argentina, Greece, Puerto Rico at Senegal.

Tinapos ng Gilas, hina­wakan ni coach Chot Reyes kasama si natura­lized player Andray Blatche, ang kanilang kampanya sa 1-4 kung saan ang tanging tinalo nila ay ang Senegal, 81-79 sa overtime.

Nabigo ang Pilipinas sa Croatia via overtime, 81-78, yumukod sa Greece, 82-70, natalo sa Argentina, 85-81 at nalusutan ng Puerto Rico, 77-73 na tinampukan ni Alab Pilipinas import Renaldo Balkman.

Itinakda bukas ang drawing of lots para sa 2019 FIBA World Cup sa Shenzhen Bay Arena na pamumunuan ni global  ambassador at NBA le­gend Kobe Bryant.

“After March 16, then I think we can already set up some meetings to put up a time schedule, timeline for the preparation of the national team for the World Cup,” sabi ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao.

Ang Pilipinas ay kakata­wanin nina Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman emeritus Manny V. Pangilinan, PBA chairman Ricky Vargas, SBP president Al Panlilio, mga miyembro ng PBA Board of Governors  at si PBA Commissioner Willie Marcial.

Dadalo rin sa event sina FIBA president Horacio Muratore ng Argentina, FIBA secretary-general Andreas Zagklis ng Greece, Chinese Basketball Association chairman at NBA legend Yao Ming.

2019 WORLD CUP

GILAS PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with