Go For Gold PH skaters sisimulan na ang paghahanda sa 2024 Paris Olympics
MANILA, Philippines — Sa pag-apruba sa skateboarding bilang isang regular event sa 2024 Olympic Games sa Paris ay kaagad sinimulan ng Go For Gold Philippine skateboarding team ang paghahanap sa mga kagaya ni Margie Didal.
Sinabi ni Monty Mendigoria, ang presidente ng Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, na binigyan nila ng akreditasyon ang 12 bagong judges at referees sa ilalim ni Asian Extreme Sports Federation technical director Warren Stuart.
Magsasagawa rin sila ng mga regional tryouts na sisimulan sa Luzon leg sa Iba, Zambales sa Marso 16-17 at tatapusin sa pamamagitan ng national finals kung saan ang mga mananalo ay maaaring isabak sa 30th Southeast Asian Games.
Sa paggawad ng Philippine Sportswriters Association sa kanya bilang Athlete of the Year ay mas lalong nagkaroon ng kumpiyansa si Didal sa kanyang sarili sa mga Olympic qualifying trips na suportado ng Go For Gold.
“The award by the PSA has motivated me to work harder as I prepare to qualify for the Olympics,’’ wika ni Didal, kumuha ng gold medal sa nakaraang Asian Games.
Maaaring lumahok ang 19-anyos na Cebuana sa higit sa apat na Olympic qualifying meets sa London, United States, China at Japan para mapaganda ang kanyang pagiging No. 14 sa world ranking.
“We feel that Margie and the skateboarding team will become our bright lights in the Olympics, and hopefully they can bring home our first Olympic gold medal,’’ sabi ni Go For Gold godfather Jeremy Go.
Tutulong ang Go For Gold sa mga Olympic qualifying trips nina Didal at Filipino-American Christiana Means para makakuha ng tiket sa Tokyo Olympics.
Tanging ang top 38 women skaters matapos ang mga qualifiers ang makakalahok sa 2020 Tokyo Summer Games.
- Latest