^

PSN Palaro

Anderson, Viernes bida sa South

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinambakan ng South team ni coach Don Dulay  ang  North squad ni coach Jojo Lastimosa, 109-84 kahapon sa PayMaya-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)  All-Star Games sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umiskor si Jeff Viernes ng Batangas City Athletics ng 14 puntos sa kanyang kabuuang 19 sa ikatlong period para patunayan ang solidong grupo ng South team na tinaguriang “Ligang Labas.”

Bukod kay Viernes, nagpasiklab din ang celebrity star na si Gerald Anderson upang pangunahan ang fiery breakaway ng South team ni coach Dulay ng Negros Occidental.

Kumonekta si Anderson ng dalawang buzzer-bea­ting triples sa pagtatapos ng ikalawa at ikatlong yugto at simulan ang kanilang pag­layo sa kauna-uanahang  All-Star Game ng MPBL.

Tumapos si Anderson ng Marikina Shoemaster ng siyam na puntos habang nasungkit naman ni V­iernes ang Sista Bida-MVP of the All-Star game.

Kagaya ng inaasahan, nagwagi si Gary David ng Bataan Risers sa PayMaya three-point shootout matapos umiskor ng 23 puntos sa final round.

Dinomina naman nina Bataan teammates Pamboy Raymundo at Byron Villarias ang PayMaya-2-Ball Challenge makaraang ta­pusin ang labanan  sa loob ng 90 segundo.

vuukle comment

JOJO LASTIMOSA

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
15 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with