^

PSN Palaro

Army-Bicycology lalaban kahit wala si Joven—Buhain

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi makakasama ang team captain na si Cris Joven sa Army-Bicycology team sa 2019 LBC Ronda Pilipinas dahil sa kanyang left elbow injury.

Ngunit kahit wala ang 31-anyos top rider ng Army-Bicycology, sinisiguro naman ng koponan na malakas pa rin ang tropa sa paglarga ng  limang araw na kumpe­tisyon sa Biyernes sa Iloilo City.

Ang maiiwang puwesto ni Joven ay pupunan ni Warren Bordeos habang ang Southeast Asian Games gold medalist na si Alfie Catalan ang bagong skipper ng Army-Bicycology kasama sina Reynaldo Navarro, Marvin Tapic, Mark Julius Bordeos at Robinson Estevez.

“Cris Joven will be a big spot to fill because he’s our best rider and leader of this team,” sabi ni  Army-Bicycology manager Eric Buhain na siyang sponsor ng  Armymen sa ikalawang sunod na taon.

“But we will do our best to be as competitive without him because we will not only represent  Army but the country as well,” dagdag ni Buhain sa kanyang tropa na sasabak sa kumpetis­yon laban sa mga magagaling na siklista sa Asia at sa buong mundo.

Ang iba pang teams sa local competition ay ang Navy-Standard Insurance, Tarlac, Team Franzia, Bike Xtreme and 7-Eleven Cliqq-Air21 ng Roadbike Philippines. Ang mga fo­reign teams ay ang Terengganu, Matrix, Nex Cycling Team, Korail Team Korea, Custom Cycling Indonesia, Cambodia Cycling, PGN Road Cycling at Sri Lanka Navy Cycling Team.

2019 LBC RONDA PILIPINAS

CRIS JOVEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with