^

PSN Palaro

2018 taon ng SMC teams

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
2018 taon ng SMC teams
Sa unang pagkakataon ay tatlong koponan mula sa iisang korporasyon ang nagwalis sa tatlong komperensya ng Philippine Basketball Associaton.

MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon ay tatlong koponan mula sa iisang korporasyon ang nagwalis sa tatlong komperensya ng Philippine Basketball Associaton.

Napanatili ng San Mi­guel ang kanilang pag­hahari sa PBA Philippine Cup samantalang nagkampeon naman ang Barangay Ginebra at Magnolia sa Commissioner’s Cup at Governor’s Cup, ayon sa pagkakasunod, sa pagtatapos ng taong 2018.

Ngunit bago ang paghahari ng Beermen, Gin Kings at Hotshots ay pumagitna muna ang paghirang sa dating media bureau chief na si Willie Marcial bilang pang-10 PBA Commissioner noong Enero 25.

Pinalitan ni Marcial si Chito Narvasa sa naturang posisyon.

Ipinagpatuloy naman ng San Miguel ang pagdomina sa Philippine Cup matapos muling maghari sa ikaapat na sunod na taon makaraang talunin ang Magnolia noong Abril.

Matapos itakbo ng Hotshots ang Game One, 105-103 ay inangkin naman ng Beermen ang sumunod na apat na laro para tuluyan nang makopo ang titulo ng season-opening confe­rence.

Sa Game Five ay kinuha ng tropa ni coach Leo Austria ang 108-99 double overtime win kung saan humakot si four-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 42 points at 20 rebounds.

“Para sa akin, kaming la­hat ng teammates ko ang best players, ibini­gay namin lahat at hindi ka­mi nag-give up,” sabi ng 6-foot-10 na si Fajardo na ti­nulungan ang San Miguel na makamit ang ika-25 PBA championship.

Sa nasabing torneo ay ipi­nalit ni Ginebra guard Mark Caguioa sa kanyang jersey number na No. 47 ang No.13 ni Jayjay Helter­brand bilang pagbibigay pugay sa kanyang matalik na kaibigan.

Noong Marso 27 ay ti­nanggal naman ni Marcial ang lifetime ban kay import Renaldo Balkman na ipinataw ni dating PBA Commissioner Chito  Salud matapos sakalin ng Puerto Rican ang kanyang San Mi­guel teammate na si Ar­wind Santos sa laro nila laban sa Alaska noong Marso 8, 2013.

Isinuko ng Beermen, ipinaradang muli si Balkman, ang kanilang korona sa Commissioner’s Cup makaraang matalo sa Gin Kings sa kanilang cham­pionship showdown.

Tinapos ng Ginebra ang kanilang serye ng San Miguel sa 4-1 tampok ang  93-77 pagratsada sa Game Five mula sa iti­nalang 31 points, 19 rebounds at  7 assists ni Best Import Justin Brownlee.

Samantala, noong Set­yembre ay kumampanya ang Meralco Bolts sa 2018 FIBA Asia Champions Cup matapos hilingin ng nama­yapang si FIBA Secretary-General Patrick Baumann sa Samahang Basketbol ng Pilipinas na magkaroon ng PBA team sa nasabing club championship.

Nahubaran naman ang Ginebra ng korona sa Go­vernor’s Cup na pinagha­rian ng Magnolia laban sa Alaska.

Itiniklop ng Hotshots ang kanilang title showdown ng Aces sa 4-2 para angkinin ang ika-14 titulo.

Si Bobby Ray Parks  Jr. ang nalambat ng Blackwater bilang No. 2 overall selection kasunod si San Beda Red Lions scorer Robert Bolick ng Northport.

 Ang 2018 PBA MVP at Rookie of the Year awards ay ibibigay naman sa pagsisimula ng 2019 season ng liga sa Enero.

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with