Huelgas sabik idepensa ang korona sa triathlon sa 2019 SEA Games
MANILA, Philippines — Nasasabik na si national triathlete Nikko Huelgas ng Team Go For Gold na maidepensa ang kanyang suot na korona sa 30th Southeast Asian Games na pamamahalaan ng Pilipinas sa susunod na taon.
Ipinakita ng back-to-back SEA Games gold medalist ang kanyang hangarin matapos maghari sa men’s elite category ng 2018 National Age Group Triathlon sa Naga, Cebu.
Inungusan ni Huelgas si Go For Gold teammate Andrew Kim Remolino at Jorry Ycong ng Rider Omega Tri team ng tatlong minuto mula sa kanyang tiyempong 2:02:04 sa 1.5-kilometer swim, 40K bike at 10K run race.
“I want to thank Go For Gold for their unfailing support. If not for them, I wouldn’t be here today with two gold medals in the SEA Games,’’ sabi ni Huelgas.
Si Go For Gold Philippines chief Jeremy Go ang gumagastos para sa overseas training at competitions ng men’s elite triathlon squad.
Kamakailan ay naghari si John Leerams Chicano sa Tri-Factor International Triathlon sa Quzhou, China sa ilalim ng Go For Gold Philippines banner.
Ang panalo sa NAGT ang lalo pang nagpalakas ng loob ni Huelgas, pinuno ng Athletes Commission sa Philippine Olympic Committee, na targetin ang kanyang ikatlong gold medal sa 2019 SEA Games na gagawin sa Clark at Subic.
“I’m concerned about injuries. It can readily end my bid for a third straight gold, plus the fact that all countries are steadily improving so I don’t want to be complacent,’’ wika ni Huelgas.
Nakatakdang sumabak si Huelgas sa Ironman 70.3 race sa Vietnam.
- Latest