^

PSN Palaro

Suporta ng fans panawagan ni Pumaren vs UP

FCagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Misyon ngayon ni coach Franz Pumaren na tapusin na ang mahabang 26 taon pagkatuyo sa Finals stint ng Adamson sa kanilang semifinal do-or-die battle kontra sa University of the Philippines bukas sa Season 81 UAAP men’s basketball tournament  sa Smart Araneta Coliseum.

Pagkatapos ng semis, tuluy-tuloy na ang asam ng Soaring Falcons tungo sa pagsungkit sa kanilang ikalawang titulo, matapos ang una at ta­nging cham­pionship crown noong 1977 makaraang pumasok bilang regular member ng UAAP noong 1971.

Bunga nito, nanawagan si Pumaren ng suporta sa mga fans at alumni ng A­damson para tumbasan ang inaasahang pagdagsa ng UP followers kaya sinuspindi naman ni University President Fr. Marcelo V. Manimtim, C.M. ang klase at trabaho sa opisina ng eskwelahan simula sa alas-12 ng tanghali.

Umabot sa winner-take-all match ang kanilang semis duel matapos umiskor ang Nigerian na si Bright Akhuetie sa huling 2.6 segundo upang iangat ang third seed UP  sa 73-71 panalo noong Sabado at burahin ang twice-to-beat bentahe ng San Marcelino-based team.

“We didn’t want to lose, but we have to  move on. We have to get ready for Wednesday and make sure that we get the win so we can make it to the Finals,” ani Adamson top player Jerrick Ahanmisi.

Ang magwawagi sa A­damson at UP ay ha­ha­­rap sa nagdedepensang A­teneo sa finals.   

FRANZ PUMAREN

UAAP MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with