Criztian Pitt susuntok sa semis

MANILA, Philippines — Ipinagpatuloy ni Criztian Pitt Laurente ang mainit na ratsada nito matapos humirit ng puwesto sa semifinals sa 2018 AIBA Youth Men’s and Women’s World Championships na ginaganap sa Duna Arena sa Budapest, Hungary.
Inilabas ni Laurente ang kanyang bangis gamit ang pamatay na suntok para kubrahin ang 4-1 unanimous decision win kontra kay Asian Youth Championship quarterfinalist Daniyal Shahbakshsh ng Iran sa quarterfinals ng men’s bantamweight (56 kg.) division.
Pumabor para kay Laurente sina Rami Al masri ng Germany, Olivares Perez ng Colombia, Alsher Altayev ng Kazakhstan at Taylan Cem Dunar ng Netherlands na magkakatulad na nagbigay ng 29-28 desisyon.
Tanging si Chang Yu-Ling ng Chinese-Taipei ang naiba nang ilatag nito ang 29-28 iskor para sa Iranian pug.
Susubukan ng Children of Asia gold medalist na si Laurente na makasikwat ng puwesto sa finals sa pakikipagtipan kay Abdumalik Khalokov ng Uzbekistan na nagtala ng impresibong second-round referee-stopped-contest kay Laion Martinelle Duraes Souza ng Brazil sa kanilang quarterfinal bout.
- Latest























