Caluag idedepensa na ang korona
JAKARTA -- Idedepensa ngayon ni Daniel Caluag ang kanyang titulo sa kanyang pagsalang sa BMX competition ng 18th Asian Games sa Jakarta International BMX track.
Ang 31-gulang na si Caluag, registered nurse sa US ang naghatid ng kaisa-isang gold medal ng Pinas noong 2014 Asiad sa Incheon, South Korea at tangka niyang idepensa ito sa kanyang pagpadyak ngayon kasama ang kanyang kapatid na si Christopher John.
Imbes na sumali sa mga UCI races ay nagsanay ng kanyang sarili si Caluag para sa kompetisyong ito.
Kabuuang 12 riders ang kakarera kabilang ang mga Japanese Asian champions na sina Jukia Yoshimura (2017) at Yoshitaku Nagasako at ang Kuala Lumpur SEAG gold medalists na si Gusti Bagus Saputra ng Indonesia sa men’s seeding na magsisimula sa alas 9:25 ng umaga.
Sasalang din sa kanyang unang major international competition ang nag-iisang babaeng BMX rider na lahok ng Pinas na 19-gulang na si Sienna Elaine Fiennes, na kagagaling lamang sa UCI BMX juniors program sa World Cycling Centre sa Aigle, Switzerland. (MBVillena)
- Latest