PSL belles pinasaya ang mga fans sa Ilagan City
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni reigning MVP Ara Galang ng F2 Logistics ang Philippine Superliga All-Stars sa kanilang goodwill match laban sa local team sa Ilagan City, Isabela.
Pinasaya ng mga PSL belles na naghahanda na rin para sa 2018 All-Filipino Conference ngayong Oktubre, ang ika-anim na anibersaryo bilang siyudad ang “Corn Capital of the Philippines.”
“This is also our way of giving back to them for supporting us, watching our games on TV,” ani Galang.
Bukod sa exhibition match, nagbigay din si Galang at si Cargo Movers coaches Josh Ylaya at Hollie Reyes ng volleyball clinics para sa mga kabataang gustong matuto ng larong volleyball.
“It’s a fulfilling experience. It’s always nice to share our knowledge in volleyball, share our passion in the sport especially in a place like this where fans don’t have much opportunity to watch our games in Manila,” dagdag ni Galang.
Natutuwa naman si Ilagan City Mayor Evelyn Diaz at dating Mayor Josemarie Diaz sa unang pagdalo ng PSL sa kani- lang lugar.
“More than the event, it serves as an example to our youth, to show them that sports is one good way to divert the youth’s attention from vices,” ayon kay Mayor Diaz.
Sinabi naman ni PSL chairman Philip Ella Juico na ang kanilang pagdalo sa Ilagan City ay kabilang sa pagbibigay saya sa mga fans ng PSL na sumusubaybay sa laro sa pamamagitan ng TV.
“It’s a way of giving back volleyball to the fans,” ayon kay Juico.
- Latest