^

PSN Palaro

Karatedo bagong coaches ang isasabak sa 18th Asiad

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Jayson Ramil Macaalay ang four-man national karatedo team na sasabak sa 18th Asian Games nga­yong Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Jakarta at Palembang Indonesia.

Bukod kay Macaalay na isang silver medalist sa nakaraang 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang iba pa sa koponan ay sina Junna Tsukii, Mae Soriano at OJ De Loos Santos na kapwa mga bronze me­dalists naman sa nasabing SEA  Games.

Si Macaalay ay nag-silver sa -60-kgs. division ng men’s kumite habang si Soriano ay nag-uwi ng bronze medal mula sa -55-kgs. kumite at si De los Santos naman ay bronze medalist sa men’s individual kata.

Nakamit naman ni Tsukii ang bronze medal sa women’s kumite below 50-kgs. division.

Samantala, ang Asian Games-bound team ay pangangalagaan nina coaches Shin Tsukii ng Japan at Norman Montalvo.

Ito ay nangyari matapos kumalas ang Philippine Karatedo Federation sa dating Iranian coach na si Ali Parvinfar.

Matatandaang nabigo  ang national karatedo team na mag-uwi ng gintong medalya sa 2017 SEA Games. Kaya ninais ng PKF na magbago na ng coaches para na rin sa pagbabago ng sistema.

vuukle comment

18TH ASIAN GAMES

JAYSON RAMIL MACAALAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with