Lady Volcanoes kumpiyansa sa ARWC
MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Aiumi Ono ng Cebu Dragons ang 26-woman Philippine Lady Volcanoes na maglalaro sa Asia Rugby Women’s Championship (ARWC) Division I sa Queenstown Stadium sa Singapore.
Kaharap ng tropa ni coach Joe Palabay ang India habang sinusulat ang istoryang ito bago sagupain ang host Singapore sa alas-7 ng gabi sa Biyernes.
Ito na ang unang pagbabalik ng Lady Volcanoes sa Fifteens format ng ARWC sa loob ng anim na taon at ayon kay team captain Ono, malakas ang kanilang tiwala sa magandang kampanya.
Bukod kay Ono, ang iba sa koponan ay sina rookies Agot Danton ng Davao Durians at U17s graduates Nicole Kovanen at Kaia Briela Baui ng Eagles RFC.
Kasama rin sa koponan sina Agot Danton na produkto ng PRFU’s Get Into Rugby Program at SOS Children’s Village ng Davao City. Si Danton ay dati ring soccer player sa Street Child World Cup noong 2014.
- Latest




















