Ratings ni Jerwin: 6
FRESNO, Ca. - - Hindi pa alam ng kampo ni IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas kung sino ang susunod niyang makakalaban matapos ang unanimous decision win laban kay Jonas Sultan, Sabado (Linggo ng umaga sa Manila) sa Save Mart Center dito.
Pero, isa ang tiniyak ni Joven Jimenez, manager/trainer ni Ancajas - - mas hihigpitan niya ang ensayo ng boksingero at babawasan na rin ang mga lakad habang naghahanda ito sa laban.
“Nahirapan kasi siya dahil malayo ‘yung training camp namin (sa Cavite), tapos panay imbitasyon sa kanya papunta sa Manila,” lahad ni Jimenez, na ang tinutukoy ay ang mga imbitasyon kay Ancajas sa kasagsagan ng paghahanda nito para kay Sultan.
“Mabait lang kasi talaga si Jerwin, pero, next time, kailangan bawasan ang paglabas-labas niya sa training camp,” ani Jimenez.
Ang paghihigpit na gagawin ni Jimenez ay may kinalaman sa naging kundisyon ni Ancajas na kitang-kita sa naging takbo ng laban kay Sultan.
“Sobrang bagal niya,” ani Jimenez. “Hindi ko ma-explain pero first round pa lang, nakita ko na hindi maganda, parang walang sigla. Kita ko pagod na, kaya hindi ko pinaapura ‘yung laban, tinipid namin ‘yung stamina niya, mahalaga makaabot ng round.”
Ayon kay Jimenez, 6 lang ang gradong ibinigay niya sa performance ni Ancajas.
“Sa akin 6 lang (ratings). Wala talaga ‘yung dating nakita ko sa nakaraang fight niya,” dagdag pa ni Jimenez. (VTRomano)
Related video:
- Latest