^

PSN Palaro

Guevarra binawi ang titulo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling isinuot ni Rey Guevarra ng Phoenix ang korona ng slam-dunk competition matapos talunin si Renz Palma sa final round sa 2018 PBA All-Star Week kahapon sa Batangas City Coliseum.

Pumailanlang ang 6-foot-1 na si Guevarra sa hangin para isalpak ang isang dumadagundong na windmill dunk at makakuha ng perpektong 40 points mula kina judges Alvin Patrimonio, Benjie Paras,  Atoy Co at Ed Cordero.

Ito ang ikaapat na slam dunk title ng dating Letran Knights star sa limang taon para makalapit sa record na lima ni Niño Canaleta ng Meralco.

Unang tinalunan ni Guevarra ang isang motorcycle  habang isinalpak naman ni Palma ang kanyang one-handed dunk mula sa free-throw line.

Sa Three-Point Shootout, tinanghal si two-time PBA MVP James Yap ng Rain or Shine bilang bagong hari matapos magsalpak ng 24 points sa final round.

Tinalo ni Yap sina Stanley Pringle (21) ng Globalport at Terrence Romeo (16) ng TNT Katropa. (RC)

2018 PBA ALL-STAR

PHOENIX

REY GUEVARRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with