^

PSN Palaro

Pinas titiyakin ang tagumpay ng 30th SEAG

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Simula na ng pagba­langkas sa plano upang maging matagumpay ang pagtataguyod ng bansa sa 30th SEA Games sa susunod na taon.

Dumating kahapon ang may 80 sports leaders mula sa 10 bansang kasapi ng Southeast Asian Games Federation para dumalo sa council meeting na idaraos mula ngayon hanggang bukas sa Bonifacio Global City.

Pangungunahan ni Phi­lippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas ang pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor Leste at Vietnam.

Ilan sa tatalakayin ang mga disiplinang lalaruin sa biennial meet gayundin ang Sports and Rules, Medical at Women and Sports.

Nais ni Vargas na magkaisa ang mga bansang kasapi ng SEA Games upang higit na pagbuklurin ang buong rehiyon sa pamamagitan ng sports.

Kasama ni Vargas sa mainit na pagtanggap sa mga bisita si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Ca­yetano na siyang Phi­lippines SEAG Organizing Committee (Phisgoc) Executive Board chairman gayundin si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Ito ang ikaapat na pag­kakataon na tatayong host ang Pilipinas sa SEA Games sapul nang ma­ging miyembro ang bansa noong 1977.

Idinaos sa Pilipinas ang SEAG  noong 1981, 1991 at  noong 2005 - ang taon na itinanghal na overall champion ang bansa.

SEA GAMES

SOUTHEAST ASIAN GAMES FEDERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with