^

PSN Palaro

BanKo Perlas, Tacloban iisa ang misyon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang BanKo Perlas at Tacloban na makuha ang ikalawang panalo sa kanilang paghaharap ngayong araw sa Premier Volleyball League Season 2 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Magtatagpo ang Perlas Spikers at Fighting Warays sa alas-6:30 ng gabi habang lalarga naman ang salpukan ng BaliPure at Petro Gazz sa alas-4 ng hapon.

Tangan ang parehong 1-1 baraha, ang mana­nalo sa pagitan ng Perlas Spikers at Fighting Warays ay uusad sa unahan ng stan­dings kasalo ang Creamline Cool Smashers at PayMaya High Flyers na may magkatulad na 2-1 marka.

Matapos lumasap ng kabiguan sa kamay ng PayMaya, nakabawi ang Fighting Warays  nang payukuin nila ang Petro Gazz Angels noong Mayo 9.

Taliwas naman ang nangyari sa Perlas Spikers.

Naitala ng BanKo ang impresibong come-from-behind five-set win laban sa Creamline noong Sabado ngunit yumuko ang tropa sa nagdedepensang Pocari-Air Force noong Linggo sa larong parehong ginanap sa Tuguegarao.

Sa men’s dvision, susubukan ng Vice Co na kubrahin ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Cignal sa alas-10 ng umaga habang magtutuos naman ang PLDT at Instituto Estetico Manila sa alas-12 ng tanghali.    

BANKO PERLAS

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with