^

PSN Palaro

Barriga mapapalaban na sa world title

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Barriga mapapalaban na sa world title
Mark Anthony Barriga

MANILA, Philippines — May tsansa na si dating Olympian Mark Anthony Barriga na makahirit ng world title.

Ito ay matapos itarak ni Barriga ang unanimous decision win laban kay Colombian Gabriel Mendoza sa minimum weight title eliminator bout noong Linggo ng gabi sa SM Skydome sa North Edsa.

Nakuha ni Barriga ang boto ng tatlong hurado na nagtala ng 120-108, 120-108 at 119-109 para higit pang pagandahin ang kanyang record sa malinis na 9-0.

Dahil sa panalo, isa nang world title challenger si Barriga kung saan haharapin nito ang magwawagi sa pagitan nina reigning Japanese IBF champion Hiroto Kyoguchi at Pinoy pug Vince Paras na magla­laban sa Mayo 20 sa Japan.

Ang panalo rin ang magandang regalo ni Barriga para sa kanyang ina sa Mother’s Day.

“Happy Mother’s Day Ma. Handa akong gawin ang lahat para sa mga magulang ko kahit alam kong mahirap, lalaban ako para sa kanila,” wika ni Barriga.

Inilabas ni Barriga ang kanyang bangis sa umpisa pa lamang ng laban na na­panatili nito hanggang sa huling bahagi ng bakbakan.

Halos mapatumba pa ni Barriga ang 38-anyos Colombian fighter sa hu­ling bahagi ng laban matapos maikonekta ang isang solidong kanang suntok.

Subalit nakalusot si Mendoza na gumulong sa 29-6 rekord.

Sa iba pang resulta, naitala ni dating world title challen­ger Genesis Servania ang impresibong fifth-round technical knockout win laban kay Indonesian Jason Butar Butar sa non-title 139 lbs. category habang nanaig si two-time world title challenger AJ “Bazooka” Banal kontra kay Indonesian Master Suro via unanimous decision sa kanilang junior lightweight non-title bout.

Nanaig din si Marvin Sonsona laban kay Indonesian Arief Blader via unanimous decision sa non-title 126 lbs. match.    

vuukle comment

GABRIEL MENDOZA

MARK ANTHONY BARRIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with