^

PSN Palaro

Kakaibang medalya ibibigay sa Century Tuna Full Ironman

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas gaganahan ang mga kalahok sa edisyong ito dahil kakaibang medalya ang nakaabang sa mga makakatapos sa karera sa prestihiyosong Century Tuna Full Ironman Philippines sa Hunyo 3 sa Subic.

Bibigyan ng ‘Filipino touch’ ng mga organizers ang unique medal na tinawag na ‘Alab ng Puso’ na siyang igagawad sa mga elite international participants na sasali sa kauna-unahang full triathlon sa bansa.

Ginawa ang disenyo ni designer Daniel de la Cruz na nakilala sa kanyang natural artistic skills at paggawa ng mga kakaibang materyales. Ito ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng ceramic collections para sa kilalang Villeroy & Boch sa Germany.

Ang ‘Alab ng Puso’ medal ay may triangle part ng Philippine flag tampok ang araw at tatlong stars. Ang lace na gagamitin ay mula sa Marawi City.

“As a brand at the forefront of promoting health and fitness, Century Tuna is very proud to be the lead sponsor of the first full distance Ironman in the country. The expected scale and scope of attention the event will ge­nerate in the country and the global triathlon community gives us a very big stage to shout out our message of living a healthy lifestyle through proper diet and exercise,” ani Greg Banzon, ang vice president at general manager ng Century Pacific Food,

Mahigit 1,200 triathletes mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang magbabakbakan sa 3.8km swim-180km bike-42km run event.   

CENTURY TUNA FULL IRONMAN PHILIPPINES

FILIPINO TOUCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with