Central Visayas nagtampisaw ng ginto sa swimming pool
Tagbilaran, Bohol , Philippines — Lumangoy ang mga Central Visayas tankers ng 12 gold, 5 silver at 6 bronze medals at kinuha ang dalawang ginto sa men’s at women’s team tennis para tuluyan nang lumayo sa medal race sa 2018 National PRISAA Games dito sa Carlos P. Garcia Sports Complex kahapon.
Dinomina ni Rocky Ramos ang men’s 100m dash sa kanyang bilis na 10.06 segundo, nanaig si Laila Manganoon sa women’s 100m sa tiyempo niyang 12.85 segundo, nagwagi si Gio De Vera sa secondary boys’ 100m sa isinumiteng 11.09 segundo at nanalo si Sharlemane Harris sa secondary girls’ 100m sa 12.38 segundo.
Kumuha naman ng mga ginto sa swimming pool sina Dinry Ferch Fulgentes sa boys’ senior 200m butterfly (2:32.81) at Romeo Renzo Teodoro sa boys’ senior 50m freestyle (25.61) para sa arangkada ng Central Visayas.
- Latest




















