Western Visayas wagi ng 4 ginto
TAGBILARAN, Bohol, Philippines — Kumolekta ang Western Visayas ng apat na ginto at tatlong pilak sa athletics habang namayani ang Zamboanga sa weightlifting sa 2018 National PRISAA Games dito sa Carlos P. Garcia Sports Complex.
Dinomina ni Jose Jerry Belebestre ang men’s long jump sa kanyang nilundag na 7.06 meters habang nanalo si Michael Mana-ay sa 110m hurdles men (14.47 segundo), nagwagi si Ara Rhabea Delotayo sa 100m hurdles secondary girls (16:56 segundo) at namayani si Kim Villaruz sa 3,000m secondary girls (11:33.81).
Bumandera naman ang mga taga-Zamboanga sa weightlifting mula sa kabayanihan nina Carlo Soriano, Patricia Nina Gregorio at Rowel Garcia.
Dinomina ng Zamboanga ang weightlifting noong nakaraang taon sa Zambales nang humakot ng 31 sa 64 golds, 23 silvers at 10 bronzes at inaasahang muling tatalunin ang mga kalaban.
Bukod sa apat na ginto ay nag-ambag ng tig-isang pilak sina Marjorie Basea sa 3,000m run (14:51.00) at Kayla Marie Almalbis sa 100m hurdles (16:66).
Nanalo si Soriano ng isang ginto at isang pilak sa 57.5kg men senior.
- Latest




















