^

PSN Palaro

Pinoy athletes inalat sa Universiade

BRepizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

TAIPEI --  Kabi-kabilang ka­biguan ang nalasap ng Team Philippines sa Day 4 ng 29th Summer Universiade kahapon dito.

Nabigo sina tennis pla­yers Marian Ca­pa­docia at Reisha Nillasca kina Lien­ke de Kock at Hellencia van Zyl ng South Africa, 0-6, 0-6, sa first round ng wo­men’s doubles.

Nagmula si Capadocia sa 6-0, 6-0 panalo kay Kri­pa Sharma ng Nepal sa first round ng women’s singles.

Sumuko din ang men’s double nina Janeo Sanchez at Justin Villaluz kina Shinta­ro Imai at Kaito Uesugi, 0-6, 0-6, ng Japan. 

Ito rin ang iskor na nala­sap ni Sharyl de los Santos kay No. 12 seed Irina Ta­mia­lidon ng France sa wo­men’s singles.

Hindi rin pinalad ang mga swimmers.

Pumang-apat si Isabel­la Olivares ng Philippine Swimming  League (PSL) sa heats sa women’s 100m backstroke sa kanyang oras na 1:06.88.

Tumapos sa ikatlo si Alliah Saliendra ng Cebu sa qualifying heat ng wo­men’s 200m individual medley sa kanyang 3:13.65.

Minalas din si Kobe So­­quilon sa men’s 50m backstroke sa kanyang ini­­listang 33.70 para sa pang-limang silya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with