^

PSN Palaro

Phl volley teams magsasanay sa abroad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Daraan sa matinding paghahanda ang women’s national volleyball team upang masiguro na nasa tamang kundisyon ito bago sumabak sa 2017 Southeast Asian Games na idaraos sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ang siniguro ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. kung saan target ng asosasyon na ipadala ang pambansang koponan sa China, Japan o South Korea para sumailalim sa training camp kasama ang mahuhusay na trainers at coaches doon.

Kasalukuyan nang may 25 miyembro ang national pool ngunit inaasahang tatagpasin ito sa 12 manlalaro sa susunod na buwan.

Kikilatisin muna ni national team head coach Francis Vicente ang bawat miyembro ng pool bago maglabas ng pinal na desisyon kung sino ang mapapasama sa Final 12.

Nangunguna sa listahan si three-time UAAP MVP Alyssa Valdez kasama ang magkapatid na sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat at Philippine Superliga ambassador Mika Reyes.

Pasok din sa pool ang beteranong setters na sina Kim Fajardo at Rhea Dimaculangan gayundin sina Rachel Anne Daquis, Aiza Maizo-Pontillas, Jovelyn Gonzaga, Myla Pablo, Jovelyn Gonzaga, Abigail Maraño at Gretchel Soltones na mga nakapaglaro na para sa Pilipinas sa ilang international competitions.

Lalarga rin sina Lourdes Clemente, Den Den Lazaro, Maika Ortiz, Ria Meneses, Maddie Madayag, Kat Tolentino, Kim Dy, Dawn Macandili, Genevieve Casugod, Bia General, Roselle Baliton, Kathleen Arado at Elaine Kasilag.

Pakay ng koponan na maibalik ang ningning ng Pilipinas sa mundo ng volleyball.

Huling nagkamit ng gintong medalya ang Pilipinas noong 1993 edisyon ng SEA Games sa Singapore sa pangunguna nina Thelma Barina, Nene Ybanez at Lenlen Escollante.

Bigong makapag-uwi ng medalya ang Pilipinas noong 2015 SEA Games sa Singapore matapos malag­lag sa group stage.

Noong 2005 Manila SEA Games, nagkamit ng tansong medalya ang women’s team. Subalit iyon na lamang ang huling edisyon na lumahok ang Pilipinas sa indoor volleyball dahil hindi nakapagpartisipa ang koponan noong 2007, 2009, 2011 at 2013.

LARONG VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with