^

PSN Palaro

So nakipag-draw sa Armenian GM

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy ang mainit na ariba ni Grandmaster  Wesley So para kapitan ang solong liderato, may apat na rounds na lamang ang nalalabi sa 2017 Tata Steel Masters Chess Tournament na ginaganap sa Wijk aan Zee, Netherlands.

Muling nagtala ng draw ang 23-anyos na si So laban kay GM Levon Aronian ng Armenia sa kanilang ninth-round match.

Nakakolekta na ng kabuuang anim na puntos si So mula sa tatlong panalo at anim na draws, sapat para manatiling nakakapit sa tuktok ng standings.

Nakabalik sa ikalawang puwesto si defending champion GM Magnus Carlsen ng Norway kasama sina GM Pavel Eljanov ng Ukraine at GM Wei Yi ng China hawak ang pare-parehong 5.5 puntos.

Nailista ni Carlsen ang importanteng panalo laban kay GM Loek Van Wely ng Netherlands habang nakihati sa puntos sina Eljanov at Wei laban kina GM Baskaran Adhiban ng India at GM Dmitry Andreikin ng Russia, ayon sa pagkakasunod.

Magkakasalo sa ikalima sina Aronian, Adhiban at GM Sergey Karjakin ng Russia bitbit ang tigli-limang puntos samantalang nasa ikawalo sina GM Pentala Harikrishna ng India at GM Anish Giri ng Netherlands na may tig-4.5 puntos.

Nasa ika-10 sina Andrekin at GM Radoslaw Wojtaszek ng Poland (4.0 points), ika-12 sina GM Richard Rapport ng Hungary at GM Ian Nepomniatchtchi ng Russia (3.5 points) at ika-14 si  Van Wely (1.5 points).

GRANDMASTER WESLEY SO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with