^

PSN Palaro

Ringia vs Martin sa semis ng Andrada Cup netfest

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalusutan ni top seed Janus Ringia si Jules La­zaro, 6-2, 2-6, 12-0 upang masikwat ang tiket sa semis ng boys’ 18-under division sa 28th Andrada Cup Junior Tennis Championships kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Titipanin ni Ringia sa susunod na yugto si No. 7 Jake Martin na sinorpresa si third seed Gabriel Tiamson sa pamamagitan ng 7-6 (2), 6-3 panalo.

Umabante rin sa semis si fifth seed Emmanuel Fuellas nang pulbusin nito si Sam Mamaril, 6-0, 6-0. Makakasagupa ni Fuellas ang magwawagi sa pagitan nina No. 4 Jeremiah Macias III at Aljohn Talatayod.

Sa 16-under category, nagmartsa sa semis si second seed Marcus del Rosario na tinalo si No. 7 Athan Arejola, 6-2, 6-2, gayundin si third seed Jose Antonio Tria na namayani kay No. 8 Jules Lazaro, 6-1, 6-2.

Pinangunahan naman ni top seed Gennifer Pagente ng Cagayan de Oro City ang mga semifinalists sa girls’ 18-under at 16-under categories.

Sa 18-under division, pinayuko ni Pagente si Lila Salvacion, 6-0, 6-0 para makaharap si Rafa Villanueva na awtomatikong pumasok sa semis via walkover.

Nakahirit din ng semis slots sina Crystal Mildwaters at Bea Gomez.

Sa16-under class, dinispatsa ni Pagente si No. 8 Justine Maneja, 6-4, 6-1, para lumarga sa semis laban kay No. 3 Micaella Vicencio na may 6-0, 6-1 panalo kay Patricia Lim.

Magtutuos sa hiwalay na semis match sina No. 5 Macie Carlos, na nagtala ng 2-6, 6-4, 10-3 panalo kay Miles Vitaliano at Crystal Mildwaters, na umiskor naman ng 6-0, 6-0 demolisyon laban kay Bettina Catoto.

Sa boys’ 14-under, pinasadsad ni No. 1 John David Velez si No. 5 Jan Harold Trillanes, 6-1, 6-3 upang makaharap si John Allen Rombawa sa semifinals.

vuukle comment

JANUS RINGIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with