^

PSN Palaro

EAC, Air Force umiskor ng panalo sa MBL

K KA LANG? - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinahak ng Emilio Aguinaldo College at Philippine Air Force ang magka-ibang landas bago tuluyang iginupo ang kanilang mga kalaban sa 2016 MBL Open basketball tournament sa EAC Sports Center.

Bahagya lamang pinag-pawisan ang EAC bago walisin ang Jamfy Pioneers-Secret Spices, 137-105 para sa ikatlong dikit na panalo, habang dumaan sa butas ng karayom ang Air Force bago naungusan ang Wang’s Ballclub, 96-89 para sa 2-1 record.

Umiskor ng husto sina Jerome Garcia, Jethro Men­doza at Juju Bautista para sa EAC, na hinawakan ang trangko mula sa simula ng bakbakan na hindi na binitiwan pa sa kumpetisyon na itinataguyod ng  Smart Sports, Ironcon Builders, Dickies Underwear, Star Bread at Gerry’s Grill.

Tumapos si Garcia ng 24 puntos, habang nagdag­dag si Mendoza ng 21 at si Bautista ay may 16 para sa Generals.

 Samantala, hindi naman naging madali ang panalo para sa Air Force.

Tumikada si Darwin Cordero ng 20 sa kanyang 23 puntos sa second half para sa Air Force, na bumangon mula sa 19-point na pagkalugmok (13-32) para pataubin ang Wang’s Ballclub.

Si Cordero, na nagmula sa Zamboanga City, ay nagpakitang gilas sa third quarter matapos umiskor ng 14 mula sa kanyang 23 puntos sa third-quarter  upang imando ang Air Force sa panalo.

vuukle comment

MBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with