^

PSN Palaro

DPS tankers tagumpay ang kampanya sa 2016 Buccaneer Swim Meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
DPS tankers tagumpay ang kampanya sa 2016 Buccaneer Swim Meet
Nag-courtesy call ang mga swimmers ng Diliman Preparatory School swimmers na nakasungkit ng medalya sa 2016 Buccaneer Invitational Swimming Championship sa Tokyo, Japan kay DPS President Sen. Nikki Coseteng kasama sina PSL President Susan Papa at Secretary General Maria Susan Benasa.
Chris Co

MANILA, Philippines - Produktibo ang performance ng Diliman Prepa­ratory School (DPS) tan­kers nang mag-ambag ito ng apat na ginto, limang pilak at apat na tansong medalya sa kampanya ng Philippine Swimming League (PSL) sa katatapos lang na 2016 Buccaneer Invitational Swimming Championship na ginanap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.

Nanguna sa ratsada ng DPS si Paula Carmela Cusing na kumana ng da­lawang ginto at isang pilak sa girls’ 13-14 class.

Bahagi ito ng 400m freestyle relay (5:01.90) at 400m medley relay (5:37.78) team na sumiguro ng ginto habang umani rin ito ng pilak sa 200m butterfly 3:02.91.

“I congratulate all DPS swimmers who now can compete here and abroad winning medals for our school and our country. Swimming is part of our DPS P. E. program as we also have a strong healthy lifestyle program for five years now,” ani DPS President Sen. Nikki Coseteng.

Maganda rin ang atake ni Lee Grant Cabral na sumisid ng isang ginto at dalawang pilak sa boys’ 9-10 kung saan naghari ito sa 100m butterfly (1:20.00) at bahagi rin ito ng  kopo­nan na puma­ngalawa sa 200m freestyle relay (2:15.17) at 200m medley relay (2:49.30). Nagdagdag pa ng dalawang tanso si Cabral sa 200m IM (2:53.71) at 50m breaststroke (43.72).

Humirit naman si Albert Sermonia  ng isang ginto sa boys’ 11-12 100m butterfly (1:15.06) at dalawang tanso sa 200m freestyle relay (2:08.78) at 200m medley relay 2:23.39 habang may nakamit na dalawang pilak si Paul Christian King Cu­sing mula sa boys’ 15-18 400m IM (5:09.32) at 200m breaststroke (2:40.42).

Sa kabuuan, humakot ang PSL ng 25 ginto, 17 pilak at 15 tanso tampok ang pitong bagong rekord upang masungkit ang ikala­wang puwesto sa overall team standings.

Nagpasalamat naman si PSL President Susan Papa sa suportang ibinibigay ni Coseteng sa mga kabataang atletang sumasabak sa mga international competitions.

DPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with