^

PSN Palaro

ABAP Open sa Ibang professional boxer

AMBETHABOL - Maribeth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

Malapit na ang Rio de Janeiro Olympic at kani-kan­ya nang pagsabak sa mga qualifying events ang bawat National Sport na kabilang  sa nasabing labanan.

Medyo mahirap para sa boxing association ang maghanap ng mga isasabak nila ngayon dahil tinanggihan na ni newly elect senator Manny Pacquiao ang pagsabak sa Olimpiyada.

Magko-concentrate na kasi si Pacquiao sa kanyang pagiging Senador...Pero ganun pa man hindi naman nawawalan ng pag-asa ang pamunuan ng ABAP na makakuha sila ng mga magagaling na boksi­ngero na maaring isabak sa Olimpiyada at hindi rin sila nawawalan ng pag-asa na maaring magbago ang isip ni Pacquiao ukol dito.

Ayon nga kay ABAP president Ricky Vargas kahit sinong professional boxers puwede na ring sumabak para sa Olympics. Igagalang din ng ABAP ang magi­ging desisyon ni Pacquiao kung sakali.

Ang sa akin lang siguro, mas makabubuti kung mag-train na lang ng bago ang ABAP, I mean mga ibang professional boxers. Mahirap na umasa kay Pacquiao e.

Sa laki ng responsibilidad na pinasok ni Pacquiao, malabo ng maisip pa niya ang Olympics sa ngayon. Willing naman ata sina Nonito Donaire at Donnie Nietes na maging bahagi ng Olympics, siguradong patok kahit sino sa kanila.

Let’s face it, maaring hindi na maging priority ngayon ni Pacquiao ang boxing...Kaya sakto lang ang naging desisyon ni ABAP prexy Vargas na buksan sa iba pang mga professional boxers ang nasabing slot sa Olympics.

At kung sino ka man na magiging mapalad na sumabak sa Rio Olympics, good luck ng bonggang-bongga sa iyo! Sana ikaw na ang sumunod sa mga yapak ng mga dati nating Olympic medalists.

***

Speaking of boxing greats, kasalukuyan palang nasa ospital ngayon ang boxing great na si Mohammad Ali na nagkaroon umano ng respiratory problems bunsod ng kanyang unang health condition na Parkinson’s disease.

Sa ngayon medyo maganda na ang kalagayan ng dating boksingero na naka-confine sa isang ospital sa Phoenix....Sana po ipagdasal natin na makalampas sa kanyang kondisyon ngayon ang 74-anyos na boxing great na si Ali.

CEBU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
20 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with