^

PSN Palaro

Kontrobersya at isyu sa Philippine sports

Maribeth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang mundo ay puno ng kuwento...kuwento ng buhay, pag-ibig, pakikipagsapalaran, tagumpay, kalungkutan, kabiguan, pagkatalo, pagkawala at pagbabago.

At kahit na anumang kuwento ito hindi maaring hindi pag-usapan, tandaan, ibaon sa limot, ngunit minsan hindi maiwasang balikan.

Narito ang ilan sa mga kuwento na talaga namang nag-iwan ng impresyon sa lahat ng mga mambabasa at sports enthusiasts.

Manny Pacquiao

Naging isang malaking usap-usapan din noon ang naging relasyon umano ni Manny Pacquiao at ang batang aktres na si Krista Ranillo na anak ng dating aktor na si Matt  Ranillo.

Naging kontrobersyal ang nasabing kuwento matapos na mamataan na magkasama sa kotse  ang dalawa sa isang mataong lugar  sa Las Vegas. Kasagsagan noon ng laban ni Pacquiao.

Doon din nakitang umiyak sa gitna ng misa ang  maybahay ni Pacquaio na si Jinkee kung saan nakuhanan pa n­g video na inaalo ni Manny ang kanyang asawa ngunit ilang ulit itong sinalya ng asawa.

Ngunit ganunpaman, mabiis na humupa ang balita lalo pa nang magpakasal si Krista.

Sa ngayon ay masayang namumuhay si Manny at ang kanyang pamilya.

Nancy Navalta

Nakilala ang pangalang Nancy Navalta taong 1990 nang sumabak ito sa 100m run at nagtala ng 11.44 segundo sa orasan.

Kulang sa formal training ngunit nanguna ang anak ng mangingisda na si Nancy. At buhat noon ay kinilala bilang  pinakamabilis na female runner ang 17-anyos na tubong Pangasinan.

Naging mabilis ang tagumpay kay Nancy ngunit mas napakabilis ng mga pangyayari nang biglang kuwestyunin ang kasarian niya.

Lumabas sa mga pagsusuri na may dalawang ka­sarian si Navalta. Ngunit mas lamang ang kanyang kasarian bilang lalaki  na siyang naging dahilan upang pigilan itong sumabak sa pagtakbo sa female category.

“Nu’ng natatalo ako ‘di nila ako pinapansin, pero nu’ng nananalo na ako bigla nilang kinuwestyon ang kasarian ko”, ayon kay Navalta, na ngayon ay tahimik ng namumuhay sa kanyang lalawigan ngunit patuloy pa rin na nagtuturo sa mga kabataan na gustong matupad ang pangarap gaya niya noon.

Makaraan ang dalawang taon na pagmamaneobra sa koponan ng  UST Tigers nasangkot sa kontrobersya ang dating PBA player na si Bong dela Cruz, matapos nito umanong maltratuhin ang mga players ng nasabing unibersidad sa kanilang praktis.

Ayon sa report, sinasaktan umano ni dela Cruz ang kanyang mga players kapag hindi ito nakakasunod sa kanilang play. Pinagsasalitaan din umano ng mga masasakit na salita ng naturang coach ang mga players nito bukod pa sa parusang isang libong push-ups kapag mali ang ginagawa.

Patuloy na iniimbestigahan ang naturang kaso ni dela Cruz. Sa kasalukuyan ay wala pa ring anunsiyo ang Tigers kung totoong si Bal Bavid ang kanilang ipapalit kay dela Cruz.

PSC/POC

Hindi rin nakawala sa kontrobersya ang Philippines Sports Commission at ang Philippine Olympic Committee, ito ay matapos na bumuo ng imbestigasyon si Senator Antonio Trillanes ukol sa budget ng nasabing ahensya.

Ayon sa senador, hindi umano natutugunan ng nasabing ahensya ang sapat na pangangailangan ng mga Pilipinong atleta kung saan ‘di umano ay napupunta lamang sa mga ‘di lehitimong sports ang naturang budget.

Pumutok ang issue matapos na sumabak ang Philippine Dragon Boat team na sumabak sa kompetisyon na umano’y walang nakuhang suporta sa PSC at POC.

PSC lifestyle check

2003 nang magsumite ng panukala si dating PSC commissioner Monico Puentevella upang busisiin ang gawi at buhay ng mga nakaupong opisyales ng Philippine Sports Commission, dahil sa isyu ng  kurapsyon.

Si Eric Buhain ang dating pamosong swimmer ang nakaupo noon bilang chairman ng ahensiya, kasama ang kanyang mga commissioners ay pumayag na mabusisi ng nasabing panukalang iyon ni Puentevella.

Bunsod nito ay ipinaliwanag ni Buhain kung saan napupunta ang mga halaga na nakalaan para sa budget ng ahensiya bukod pa sa mga donasyon na natatanggap nito buhat sa mga pribadong sektor.

UAAP referee shower scandal

Hindi rin nakalampas sa kontrobersya ang pamunuan ng UAAP matapos na masangkot sa isyu ng “shower scandal” ang isa sa mga referees nito na si Dennis Balore, football ref.

Kinuhanan di umano ng video ni Balore ang mga football players ng iba’t ibang koponan  habang naliligo ang mga ito sa mismong shower room ng Ateneo de Manila, taong 2008, kung saan hiniling ng NCR Football Associaton na bigyan ng lifetime ban ang nasabing referee bilang parusa.

Napiit noon sa Camp Karingal ang nasabing referee, matapos na makumpiska ang ginamit nitong cell phone upang kuhanan ang mga naliligong players ng FEU, DLSU, UST at Ateneo.

Little League scandal

1992 nang bawiin sa koponan ng Zamboanga ang  kanilang titulo sa International  Little League matapos na mapatunayan na hindi lehitimong players ng nasabing lugar ang walo sa kanilang mga manlalaro.

Inamin ng pamunuan ng Zamboanga Little League noon na walo sa kanilang man­lalaro ay hindi tubong Zamboanga kaya naman umaksyon agad ang organizers ng nasabing liga.

Binawi ang titulo sa naturang koponan at  ibinalik sa Long Beach California ang nasabing parangal, bunsod ng kontrobersya.

UAAP game fixing

Kontrobersya ng game fixing naman ang kinaharap ng UAAP matapos na masangkot ang dalawang star players ng UST Tigers na sina Kevin Ferrer at Ed Daquioag sa championship game kontra FEU.

Pinagdudahan ang naging performance ng dalawang manlalaro matapos tipirin ng mga ito ang kanilang performances sa 4 points at 6 points lamang kasama ang mga turnovers.

Patuloy na nagsaliksik ang pamunuan ng UAAP ukol sa nasabing kontrobersya, gayunman, hindi pa rin naglabas ng follow up ang pamunuan ukol sa isyu.

PBA game fixing

Matapos matalo ang koponan na Red Bull Barako, idinaan ni Don Allado ang kanyang sentimyento sa pamamagitan ng Twitter kung saan nag post ito ng ukol sa diumano’y game fixing na nagaganap sa PBA.

Pinatawan ng halagang P500,000 na multa ng PBA si Allado dahil sa irresponsableng tweet na iyon, kasabay ng suspensyon nito ng isang conference at hindi makakasali sa anumang aktibidades ng nasabing liga.

Humingi din naman ng paumanhin si Allado sa harap ng PBA commissioner Chito Salud at inamin umano ng nasabing manlalaro na nabigla lamang siya sa pagpopost ng nasabing pahayag.

PBA referee suspension

Patuloy ang kontrobersya sa PBA kamakailan lang nang patawan din ng suspensyon ang ilang PBA referees kasama si Edward Aquino kung saan ay hindi nila natawagan ng five-second violation ang guard ng Globalport na si Stanley Pringle sa krusyal na laro kontra Ginebra na nagtapos sa 84-83 iskor.

Suspendido ng kabuuang 21 games ang nasabing referee kasama ang ilan pa bilang parusa sa kanilang kamalian sa nasabing labanan.

Jai-Alai

Dahil sa malawakang game-fixing sa loob ng labanan sa Jai-Alai, napilitan ang gobyerno noon na ipasara ang nasabing sports taong 1988.

Ang nasabing sports ay naging isang malaking dahilan ng sugal sa ilang mga mananaya nito, ngunit dahil sa maling pagmamaneobra, lumawak ang game-fixing dito.

Ang nasabing laro ay karaniwang kinatatampukan ng mga manlalaro buhat sa ibang bansa partikular na sa Spain.

BAP

Isyu naman ng pag-aagawan ng liderato ang kina­sangkutan na gulo ng Basketball Association of the Philippines BAP na nagresulta sa pagkakabuwag dito.

Away sa pagitan noon nila Gharam Lim at Tiny Literal kontra sa grupo nina Freddie Jalasco ang naging resulta ng pagkakasuspinde ng nasabing NSA sa ipinataw ng FIBA.

‘Di kalaunan ay nabuwag na ang nasabing NSA na pinalitan ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas (SBP) na pinamunuan naman ng businessman/sportsman na si Manny V. Pangilinan.

Crispa

Kahit matagal na, hindi pa rin nawawala sa isipan lalo na ng mga basketball fanatics ang unang kaso ng game fixing sa Philippine Basketball kontra Crispa Redmani­zers at Mariwasa.

Kataka- takang nabigo ang koponan ng Crispa kontra Mariwasa sa kanilang championship game noong 1972.

Napatunayan na isa sa mga manlalaro ng Crispa ay sangkot sa game fixing na nagresulta ng sunud sunod na imbestigasyon.

UAAP game fixing

Patuloy na nasangkot sa isyu ng game fixing ang liga ng UAAP matapos ang ilang kahina-hinalang laro ng ilang mga koponan sa nasabing liga.

Hindi lamang manlalaro ang unang nasangkot sa nasabing isyu kundi pati na ang mga referees ng liga.

Gayunpaman ay wala naman napapatunayan pa na mga manlalaro at referees na sangkot sa nasabing game fixing, bagama’t patuloy pa rin ang imbestigasyon ukol dito.

Enzo Pastor

Gumawa rin ng ingay ang pangalan ng car racer na si Enzo Pastor matapos itong patayin ng ‘di pa nakilalang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Ang lalo pang nagpakontrobersya sa kuwentong ito ay nang madawit ang panglan ng mismong asawa niya na si Dahlia Pastor na umano’y utak ng pagkamatay nito.

Isang Edgar de Guzman ang umano’y naging ka­sab­wat ng asawa ni Pastor upang ipapatay siya, napag-alaman na sina Dahlia at de Guzman ay may lihim na relasyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with