^

PSN Palaro

Chiz sa PSC: Itodo ang suporta sa mga batang may tsansa sa Olympics

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Habang unti-unting nag­sasara ang pag-asa ng mga Filipino athetes para sa tiket sa 2016 Rio de Janeiro Olympic, hinikayat ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero na bigyan ng Phi­lippine Sports commission ng solidong suporta ang mga batang naghahangad na makasali sa naturang quadrennial event.

“We should give these athletes the chance to gain Olympic slots. Competition has become tougher through the years, but these are some of the youngest and the brightest among our sporting stars. They deserve to compete in the Summer Games and gain experience that would toughen them up in their next try,” wika ni Escudero.

Posibleng makapagpadala ng iilang atleta ang bansa sa Summer Games dahil tanging si Olongapo-born hurdler Eric Shauwn Cray ang nakakakuha pa lamang ng Olympic grade.

Nakamit ni Cray ang tiket sa Brazil nang maorasan ng 49.12 segundo sa men’s 400-meter hurdles noong Mayo na pumasa sa qualifying standard na 49.40 segundo.

Hind pa naman opisyal ang pagkakasama ni Filipina weightlifter Hidilyn Diaz sa leg ng Asian Championship sa Uzbekistan sa April.

Ang tatlong bronze medals ni Diaz sa International Weightlifting Fede­ration World Championship sa Houston noong November ang nagbigay sa kanya ng karapatang lumahok sa Asian Championship.

Hindi naman kinilala ng International Olympic Committee (IOC) ang nakuhang puntos ni trap shooter Hagen Topaciosa Asian Shooting Championship sa Kuwait matapos bawiin ng IOC ang rekognisyon sa torneo bilang official Olympic qualifier dahil sa politika sa host country.

Ipinagkait ng Kuwaiti organizers ang pagbibigay ng visa sa isang Israeli participant na nagtulak sa IOC  na bawiin ang pagkilala sa continental meet.

Bagama’t may dalawa nang tiket sa Rio Olympics, hiniling pa rin ng Philippine Olympic  Committee (POC) sa mga sports officials na humingi ng wildcard bets para sa kanilang mga atleta.

ACIRC

ANG

ASIAN CHAMPIONSHIP

ERIC SHAUWN CRAY

HAGEN TOPACIOSA ASIAN SHOOTING CHAMPIONSHIP

HIDILYN DIAZ

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

INTERNATIONAL WEIGHTLIFTING FEDE

JANEIRO OLYMPIC

PHILIPPINE OLYMPIC

SUMMER GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with