^

PSN Palaro

Bryant ayaw na rin maglaro sa Rio Games

Pilipino Star Ngayon

MIAMI -- Mas gusto ni Kobe Bryant na ibigay sa iba pang players ang pagkakataong makapaglaro sa Olympic Games.

Kusang inalis ni Bryant ang kanyang pangalan sa mga ikinukunsidera para sa U.S. team na lalahok sa Rio de Janeiro Olympics.

Ito ay nangangahulugan na opisyal nang magsisimula ang pagreretiro ng five-time NBA champion sa pagtatapos ng kanyang ika-20 at final season sa Los Angeles Lakers.

Ginawa ni Bryant ang announcement sa Salt Lake City bago ang laro ng Lakers kontra sa Jazz.

‘’Since my retirement announcement, I’m able to watch these guys in a different light,’’ pahayag ni Bryant, isang gold meda­list noong 2008 at 2012.

Ipinaalam na niya kina USA Basketball chairman Jerry Colangelo at Olympic coach Mike Krzy­zewski ang kanyang plano at sinabing gusto niyang bigyan ang iba ng pagkakataong maranasan ang Olympic journey.

Nabanggit na ni Bryant sa isa pang player ang kanyang desisyon.

Nang maglaro ang La­kers sa Golden State noong Huwebes ay nilapitan siya ni Warriors guard Leandro Barbosa, isang Brazilian at sinabi sa kanyang ‘’See you in Rio.’’

‘“I just turned around and went, ‘Nooooo,’’ sagot ni Bryant, ang No. 3 all-time scorer ng NBA.

ACIRC

ANG

BRYANT

GOLDEN STATE

JANEIRO OLYMPICS

JERRY COLANGELO

KOBE BRYANT

LEANDRO BARBOSA

LOS ANGELES LAKERS

MIKE KRZY

OLYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with