^

PSN Palaro

Heat naisahan ang Nuggets

Pilipino Star Ngayon

DENVER – Humakot si center Hassan Whiteside ng triple double sa kanyang 19 points, 17 rebounds at 11 blocked shots para ibangon ang Miami Heat mula sa  18-point deficit sa first half para resbakan ang Nuggets, 98-95.

Isinalpak ni Chris Bosh ang tiebreaking jumper sa huling 55 segundo at tumapos na may  24 points.

Nagdagdag naman si Tyler Johnson ng 15 mar­kers mula sa bench para sa panalo ng Miami, nagl­aro na wala si star guard D­wyane Wade na may injury sa dalawang balikat.

Ito ang unang pagkakataon na hindi nakalaro si Wade ngayong season dahil sa injury.

Naging blangko ang starting backcourt ng Heat bunga ng pagkakaroon ni Goran Dragic ng strained left calf injury.

Nahugutan naman ng Miami ng produksyon si Whiteside, may tendinitis sa kanang tuhod, na itinala ang kanyang ikalawang triple-double ngayong season at ikatlo sa kanyang career.

“I told Coach when I got on the bus my knee felt the best it’s felt since I injured it,” wika ni Whiteside kay Fil-Am coach Erik Spoelstra. “I told him, ‘Don’t limit my minutes. I’m back to that athletic Hassan you know.’”

Naiwanan ang Heat ng 18 points sa first half ngunit umiskor ng 30 points kumpara sa 16 ng Nuggets sa third period patungo sa kanilang panalo.

Sa Oklahoma City, itinala ni Russell Westbrook ang kanyang ika-23 career triple-double para igiya ang Thunder sa 113-93 panalo kontra sa Minnesota Timberwolves.

Humakot si Westbrook ng 12 points, 11 rebounds at 10 assists para sa kanyang pang-apat na triple-double sa season.

Sa iba pang laro, ti­nalo ng Washington Wi­zards ang Indiana Pa­cers, 118-104.

ACIRC

ANG

CHRIS BOSH

ERIK SPOELSTRA

HASSAN WHITESIDE

HUMAKOT

INDIANA PA

MIAMI HEAT

MINNESOTA TIMBERWOLVES

RUSSELL WESTBROOK

SA OKLAHOMA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with