Fil-Japanese judoka mabigat ang tatahaking daan patungo sa Rio Games
MANILA, Philippines – Dalawang mabigat na torneo ang nakatakdang lahukan ni Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe, isang two-time Southeast Asian Games champion at 2014 Asian Youth tilt gold medalist, sa layuning makalaro sa Rio Olympics.
Ito ang sinabi kahapon ni Romeo Magat, ang head ng Philippine Olympic Committee’s Cluster B task force para sa Rio Games matapos makausap ang mga officials ng Philippine Judo Federation (PJF) at ng track and field, weightlifting at shooting associations
“Judo (association) will field Watanabe in two Olympic-qualifying tournaments in her bid to qualify for the Olympics,” sabi ni Magat.
Sasabak ang 19-anyos na si Watanabe sa Grand Slam Paris sa Pebrero sa France at sa Asian Seniors Championships sa April sa Uzbekistan para makakuha ng Olympic Ranking points.
Sa qualification guidelines, ang isang judoka ay maaaring makasama sa Rio Olympics base sa kanyang puwesto sa IJF World Ranking hanggang May 2016.
Ang Top 14 sa bawat dibisyon ay awtomatikong makakalaro sa Rio Games.
Ang iba namang mga aspirante ay aasa naman sa Continental Qualification na ibabase sa ranking sa lahat ng weight categories at sa pamamagitan din ng Tripartite.
Si hurdler Eric Shaun Cray ang unang Filipino athlete na naka-qualify para sa Rio Games matapos makapasa sa standard.
- Latest