^

PSN Palaro

Laban kay Mayweather lalong nagpatingkad sa career ni Pacman

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagama’t isang laban lamang ang kanyang ginawa sa kabuuan ng 2015, hindi pa rin mapapantayan ang kasikatan ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Ilang beses nabalam ang itinatakdang paghaharap nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. mula sa isyu sa hatian sa premyo hanggang sa pagsailalim sa isang Olympic-style random drug test.

Sa isang laro ng Miami Heat sa NBA ay nagkita sina Pacquiao at Mayweather at personal na inayos ang detalye ng kanilang laban.

Ang pinakahihintay na super fight ng dalawang ‘pound-of-pound’ king ay itinakda noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Milyun-milyong boxing fans sa buong mundo ang tumunghay sa naturang bakbakan nina Pacquiao at Mayweather.

Kilala si Pacquiao na isang agresibong boksi­ngero, habang tanyag na­man ang American world five-division titlist na si  Mayweather sa kanyang solidong depensa.

Sa huli ay mas pinaha­la­gahan ng tatlong judges ang estratehiya ni Mayweather para maiwasan ang pambubugbog at pagpapabagsak sa kanya ni ‘Pacman’ mula sa mga scorecards na 118–110, 116–112 at 116–112.

“I thought I won the fight. He’s moving around. It’s not easy to throw punches when he’s moving around so much,” reklamo ni Pacquiao.

Sa kabila ng kakula­ngan sa aksyon ay kumita pa rin ang Pacquiao-Mayweather mega showdown ng record na 4.4 million pay-per-view buys

Tumanggap si Mayweather ng premyong $140 milyon, habang $60 milyon ang tinanggap ni Pacquiao.

Sa kanilang post-fight interview ay inamin ni Pacquiao na nagkaroon siya ng right shoulder injury sa fourth round.

Ayon kay promoter Bob Arum, nakuha ni Pacquiao ang injury sa isang sparring session sa gitna ng buwan ng Marso.

“This fight doesn’t bo­ther me too much, I did my best. I hurt my shoulder, but I didn’t complain or say I was injured. This is part of the game. I didn’t want to make any excuses,” ani Pacquiao.

Dahil sa pagsisinunga­ling niya sa Nevada State Athletic Commission na may injury siya bago pa man labanan si Maywea­ther ay dalawang American boxing fans ang nagsampa ng $5 million lawsuit.

Noong Setyembre ay nabunyag naman na gumamit si Mayweather ng IV injections bago ang laban para mabawi ang kanyang lakas matapos ang weigh in.

Pinayagan lamang ng USADA si Mayweather na gawin ang proseso matapos ang 19 araw makaraan ang kanilang upakan ni Pacquiao.

“USADA has a lot of explaining to do. When we learned about this I was outraged. But I can’t just bay at the moon,” sabi ni Arum.

Ikinagalit din ito ng Canadian adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz.

Matapos ang laban kay Mayweather ay plano na ni Pacquiao na magretiro sa Abril 9, 2016 para tutukan ang kanyang political career kung saan siya tumatakbo sa Senatorial race.

Ang mga nasa listahan ni Arum para labanan si Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) ay sina world welterweight titlist Timothy Bradley Jr. (33-1-1, 13 KOs) at world light welterweight king Te­rence Crawford (27-0-0, 19 KOs).

Sa 2016 na marahil makikita ng mga Pinoy na huling lalaban si Pacquiao, ang itinuturing na ‘National Treasure’ ng Pilipinas.

Kung mawawala na siya sa boxing ay maaari rin niyang buhusan ng panahon ang kanyang pa­giging playing coach ng Mahindra Enforcers sa Philippine Basketball Association.

ACIRC

ANG

BOB ARUM

BUT I

FLOYD MAYWEATHER JR.

LAS VEGAS

MAHINDRA ENFORCERS

MAYWEATHER

PACQUIAO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with