^

PSN Palaro

Zamora, magbag nangunguna sa karera para sa PSL Male Swimmer of the Year

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangunguna sina Sean Terence Zamora ng University of Santo Tomas at Drew Benett Magbag ng University of the Philippines Integrated School sa mga kandidato bilang Philippine Swimming League (PSL) Male Swimmer of the Year.

Impresibo ang naging kampanya ng 15-anyos na si Zamora sa taong ito matapos humakot ng gintong medalya sa iba’t ibang international competitions.

Magarbong sinimulan ni Zamora ang taon nang sumisid ito ng walong gintong medalya sa 2015 Indian Ocean All-Stars Challenge na ginanap sa Perth, Australia kasunod ang pagkopo ng anim na ginto sa Convoy Stingray Invitational Swimming Meet sa Hong Kong.

Muling humataw si Zamora sa Singapore Invitational Swimming Championship noong Agosto kung saan umani ito ng tatlong ginto at tatlong pilak kasama ang pagwasak sa tatlong meet records.

Tinapos ni Zamora ang taon sa pagkopo ng dalawang ginto, isang pilak at isang tanso sa Japan Swimming Championship sa Tokyo, Japan.

Maliban sa mga ginto, limang be­ses ring nasungkit ni Zamora ang President’s Trophy matapos magtala ng pinakamataas na FINA points habang walong Most Outstan­ding Swimmer awards ang naibulsa nito sa taong ito.

Maganda rin ang i­pi­namalas ni Magbag nang umani ito ng apat na ginto kasama ang dala­wang rekord sa Indian Ocean All-Star Challenge habang nakasiguro ito ng dalawang pilak sa Japan Swimming Championship.

Kasama rin sa pinagpipilian sina Marc Bryan Dula ng Weissenheimer Academy at Paul Christian King Cusing ng Diliman Preparatory School na tumulong din sa kampanya ng Pilipinas sa mga international tournaments.

Nakapagbigay si Dula ng isang ginto at apat na pilak sa Singapore Invitational Swimming Championship at isang pilak sa Singapore Open Midget Meet habang kumana ng isang pilak at dalawang tanso si Cusing sa Indian Ocean All-Star Challenge, tatlong tanso sa Singapore Invitational Swimming Championship at tatlong tanso sa Japan Swimming Championship.

Ang iba pang kandidato ay sina 2015 Summer World University Games veteran Jux Solita ng UST, Ferdinand Ian Trinidad ng Pedro Guevara Memorial National High School-Laguna at Lans Rawlin Donato ng University of the Philippines.

ACIRC

ANG

CONVOY STINGRAY INVITATIONAL SWIMMING MEET

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL

DREW BENETT MAGBAG

FERDINAND IAN TRINIDAD

INDIAN OCEAN ALL-STAR CHALLENGE

JAPAN SWIMMING CHAMPIONSHIP

SINGAPORE INVITATIONAL SWIMMING CHAMPIONSHIP

SWIMMING

ZAMORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with