Baldwin okay para sa UAAP
MANILA, Philippines – Nakakuha ng kakampi si American-Kiwi coach Tab Baldwin sa University Athletic Association of the Philippines.
Sinabi kahapon ni Mark Molina, ang athletic director ng Far Eastern University, na walang patakaran ang UAAP para sa pagkuha ng mga koponan ng foreign coach.
“There is no rule in the UAAP prohibiting a foreign coach to coach in the UAAP,” wika ni Molina sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Inihalimbawa ni Molina ang pagkuha ng Ateneo kay Tai Bundit ng Thailand bilang coach ng kanilang women’s volleyball team at ang paghirang ng FEU kay Korean Kim Chul Su bilang mentor ng kanilang men’s football squad.
Kamakalawa ay nagbabala ang Basketball Coaches Association of the Philippines, pinamumunuan ni Barangay Ginebra Governor Alfrancis Chua, ang paghugot ng Blue Eagles kay Baldwin bilang kapalit ni Bo Perasol.
Sinabi ng BCAP na kailangang respetuhin ng Ateneo at UAAP ang Court of Appeals 2002 ruling na nagbabawal sa pamamahala ni American Bill Bayno sa Talk ‘N Text sa PBA.
Ayon kay Molina, kailangan ni Baldwin na makakuha ng working permit at work visa mula sa Bureau of Immigration para maging coach ng Blue Eagles sa UAAP.
- Latest