^

PSN Palaro

Lady Chiefs pumuwersa ng 3-way tie sa women’s volleyball

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalusutan ng nagde­depensang Arellano Uni­ver­sity ang matikas na hamon ng University of Perpetual Help, 25-17, 25-16, 21-25, 25-16, upang ma­ipuwersa ang three-way tie sa unahan ng NCAA Season 91 wo­men's volleyball tournament kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Muling naasahan ng Lady Chiefs si Christine Joy Rosario na nagpakalat ng 12 puntos, habang na­­ka­tulong sina Rialen Sante at Danna Henson na nagdagdag ng tig-11 pun­tos.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Arellano pa­ra makasama ang San Sebastian Lady Stags (3-0) at St. Benilde Lady Bla­zers (3-0) sa tuktok ng standings.

Nakuha ng Benilde ang kanilang ikatlong pa­na­lo matapos payukuin ang Lyceum of the Philippines University, 25-15, 25-19, 25-14.

Pumalo sina Janine Na­varro at Jeanette Pana­ga ng tig-11 puntos na ka­­nilang nagawa sa tulong ng beteranong setter na si Djanel Welch Cheng.

"It was our defense. We did a great job of stopping their attackers," ani St. Benilde coach Michael Cariño na sariwa pa sa pag­bitbit sa Cignal HD TV sa kampeonato sa Spi­kers' Turf Reinforced Con­ference.

Sa men's division, igi­nupo ng St. Benilde ang Lyceum, 25-20, 17-25, 25-22, 25-20, para samahan ang defending champion Emilio Aguinaldo sa unang puwesto (3-0).

Nanguna si national mainstay Johnvic de Guzman na bumira ng 21 puntos para sa Blazers, habang nag-ambag sina Isaah Oneal Arda at Racmade Etrone, 14 at 11 pun­tos, ayon sa pagkakasunod.

ACIRC

ANG

ARELLANO UNI

CHRISTINE JOY ROSARIO

DANNA HENSON

DJANEL WELCH CHENG

EMILIO AGUINALDO

ISAAH ONEAL ARDA

JANINE NA

SHY

ST. BENILDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with