^

PSN Palaro

Nakauna ang Tamaraws

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado (Game 2) (Araneta Coliseum)

3:30 p.m. UST vs FEU

MANILA, Philippines – Sinuwag ng Far Eas­tern University ang Univer­sity of Santo Tomas sa bisa ng pukpukang 75-64 panalo upang makalapit sa inaasam na kampeonato kahapon sa University Athletic Association of the Phi­lippines Season 78 men’s basketball tournament  finals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtulung-tulong sina Roger Pogoy, Mike Tolomia at Mac Belo upang dalhin ang Tamaraws sa 1-0 sa best-of-three championship series.

Tumapos si Pogoy ta­ngan ang 15 puntos - lahat galing sa first half - habang nagsumite si Tolomia ng 14 puntos.

Nag-init din si Belo na may double-double na 13 puntos at 13 boards habang nagdagdag ng pinagsamang 22 puntos sina Russel Escoto at Prince Orizu.

“It’s because of our defense. We have consecutive lapses that gave them momentum at the start then we did things correctly nakakuha kami ng tiyempo. This team has been an underrated defensive team, these boys really worked hard sa depensa ang pag-uusapan and I think it showed today,” ani FEU head coach Nash Racela.

Nalusutan ng FEU ang 22 turnovers nito kung saan 18 puntos ang nakuha ng UST sa mga naturang pagkakamali.

Bumawi ang Tamaraws sa rebounding department matapos humatak ng 56 boards kumpara sa 32 lamang ng Growling Tigers. May 38 puntos ding nahugot ang Tamaraws mula sa bench players nito.

Tanging dalawang manlalaro lamang ng UST ang nagtala ng double digits kung saan nakakuha ang Growling Tigers ng 19 puntos mula kay Cameroonian Karim Abdul habang may 15 naman si Kevin Ferrer.

Hawak ng Tamaraws ang 14 puntos na kalamangan, 51-37, nang magpasabog ang Growling Tigers ng 14-6 run upang tapyasin sa anim na puntos ang bentahe ng FEU, 51-57, sa pagtatapos ng ikatlong kanto.

Nagbalik ang bangis ng Tamaraws sa fourth quarter matapos maglatag ng sari­ling 10-0 run para muling lumayo 71-62, may 1:19 na lamang ang nalalabi. Mula rito ay hindi na lumingon pa ang FEU para tuluyang angkinin ang panalo.

FEU 75 – Pogoy 15, Tolomia 14, Belo 13, Ru. Escoto 12, Orizu 10, Tamsi 5, Jose 4, Arong 2, Dennison 0, Escoto 0, Inigo 0.

UST 64 – Abdul 19, Ferrer 15, Vigil 8, Bonleon 6, Sheriff 6, Daquioag 4, Faundo 0,.

Quarterscores: 28-24; 47-34; 57-51; 75-64.

ACIRC

ANG

ARANETA COLISEUM

BELO

CAMEROONIAN KARIM ABDUL

ESCOTO

FAR EAS

GROWLING TIGERS

PUNTOS

STRONG

TAMARAWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with