^

PSN Palaro

U-Belt wars simula na; UST, FEU agawan sa Game 1

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mag-uunahan ang University of Santo Tomas at Far Eastern University na makuha ang 1-0 bentahe sa paglarga nga­yong ha­pon ng University Athletic Association of the Philippines Season 78 men’s basketball tournament best-of-three cham­pionship series sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Parehong gutom sa kampeonato ang Growling Tigers at Tamaraws kaya’t asahan ang matinding bakbakan sa Game 1 ng serye na sasambulat dakong alas-3:30.

Malaking bentahe ng UST ang kanilang dalawang panalo kontra sa FEU sa eliminasyon, 72-71 sa first round at 85-76 sa second round) ngunit pinaalalahanan ni Grow­ling Tigers mentor Bong Dela Cruz ang kanyang bataan na huwag magi­ging kampante.

“Naka-dalawa kami sa kanila sa eliminations pero eliminations yun. Kailangan naming pagtrabahuhan dahil malakas ang FEU. Kami lalaban lang, yung mga bata talagang palaban. Pinaghandaan namin sila kaya tingnan na lang natin ang magiging resulta sa  Game 1,” pahayag ni Dela Cruz.

Sasandalan ng UST ang beteranong sina Kevin Ferrer at Ed Daquioag kasama sina Cameroonian Karim Abdul, Louie Vigil at Jan-jan Sheriff na siyang nagtulung-tulong upang hubaran ng korona ang National University sa bisa ng 64-55 panalo sa Final Four.

Nakabalik naman sa finals ang FEU matapos igupo ang Ateneo de Manila University, 76-74, sa hiwalay na Final Four game.

Naniniwala si FEU head coach Nash Racela na hinog na hinog na ang kanyang tropa partikular na ang teamwork nito na siyang magiging matatag na sandata ng Tamaraws para maibalik sa kanilang teritoryo ang korona.

“Andun yung teamwork kaya kami nakabalik sa finals. I know my players, they spend time to prepare every game. Maturity and character. That’s something we have now,” ani Racela.

Kukuha ng lakas ang FEU kina Mac Belo, Roger Pogoy at Mike Tolomia ngunit tinukoy din ni Racela ang magiging kontribusyon ng iba pang manlalaro gaya nina Raymar Jose, Francis Tamsi, Russel  Escoto at Alejandrino Inigo.

Huling nagkampeon ang UST noong 2006 kung saan tinalo nito ang Ateneo de Manila University sa bisa ng 2-1 panalo sa kanilang serye. Nanaig ang Ateneo sa Game 1 (73-72) ngunit nakabalik sa porma ang UST para kunin ang Game 2 (87-71) at Game 3 (76-74 OT).

Ang FEU naman ay namayagpag noong 2005 sa pangunguna ni Arwind Santos. Ginapi ng Tamaraws sa naturang serye ang La Salle sa pamamagitan ng matamis na pagwalis sa serye (75-73, 73-71).

Target ng Growling Tigers na maibulsa ang kanilang ika-19 titulo upang saluhan ang Tamaraws sa unang puwesto bilang winningest team sa liga.

May 36 taon na nang huling magharap ang UST at FEU sa finals kung saan namayani ang Tamaraws sa bendisyon ng 100-89 panalo sa one-game championship showdown.

Hindi pa uso ang Final Four noon dahil tanging ang dalawang mangu­ng­u­nang team lamang ang siyang uusad sa final round.

ACIRC

ALEJANDRINO INIGO

ANG

ARWIND SANTOS

ATENEO

FINAL FOUR

GAME

GROWLING TIGERS

MANILA UNIVERSITY

SHY

TAMARAWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with