Chia, Ignacio iba pa wagi ng MOS sa Elite Category
MANILA, Philippines – Nakuha nina Frances Jamie Chia at Reeve Ignacio ang Most Outstanding Swimmer (MOS) awards sa Elite Category sa idinaos na 86th Philippine Swimming League (PSL) National Series na tinawag din na Baguio Halloween Swim Meet na ginawa sa Athletic Bowl Swimming Pool sa Baguio City.
Ang tubong Baguio na si Chia ay nagkaroon ng 46 puntos sa girls’ 14-years event at si Ignacio ng Wesleyan College of Manila ay mayroong 27 puntos sa boys’ 14 years para sa parangal.
“Hindi kami mapapagod na pumunta sa mga probinsiya para makatuklas ng mga mahuhusay na swimmers. Gusto namin sila bigyan ng chance na maging bahagi ng Philippine delegation sa mga international tournaments na sinasalihan ng PSL,” wika ni PSL president Susan Papa.
Ang iba pang binigyan ng MOS awards ay sina Aubrey Tom (girls’ 8), Marc Bryan Dula (boys’ 8), Micaela Jasmine Mojdeh (girls’ 9), Ferdinand Ian Trinidad (boys’ 13), Angelica Mae Medrano (girls’ 15-over) at Paul Christian King Cusing (boys’ 15-over).
Nakasama rin sa talaan sina Felice Alexis Reyes (girls’ 13), Edrian Laureta (boys’ 12), Aalia Jaire Espejo (girls’ 12), John Danielle Fadriquela (boys’ 11), Rigel Cassandra Hechanova (girls’ 11), Ruben White (boys’ 10), Abigail Taylor (girls’ 10), Philip James Princillo (boys’ 9), Gian Carlo Banas (boys’ 7), Master Charles Janda (boys’ 6-under) at Estelle Margaret Mendez (girls’ 6-under).
- Latest