^

PSN Palaro

Lady Troopers pumuwesto na sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Nov. 7 (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m. PLDT Home Ultera vs Navy

MANILA, Philippines – Nagpatuloy ang ma­gandang laro ng Army Lady Troopers para angkinin ang unang puwesto sa semifinals sa pamamagitan ng 25-14, 25-17, 25-14  panalo laban sa Navy Lady Sailors sa Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference noong Sabado ng gabi sa The Arena sa San Juan City.

Si Jovelyn Gonzaga ay mayroong 15 puntos sa 10 kills, tatlong blocks at dalawang aces, bukod pa sa 10 excellent digs para suportahan ang 13 kills, apat na aces at isang block tungo sa 18 puntos ni Honey Royse Tubino.

Kontrolado ng Lady Troopers ang kabuuan ng laro at nanguna sila sa attacks, 38-24, blocks, 8-1  at serve 8-0.

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Army at umabante na sila sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera dahil ang Coast Guard Lady Dolphins at Kia Forte, na nasa ikalima at anim na puwesto, ay hanggang dalawang panalo lamang ang pinakamagandang pagtatapos na maililista sa liga.

Bumaba sa 2-2 karta ang Navy at walang ning­ning ang naipakitang laro ng Lady Sailors para malagay sa ikaapat na puwesto sa anim na koponang liga.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMY LADY TROOPERS

COAST GUARD LADY DOLPHINS

HOME ULTERA

HONEY ROYSE TUBINO

KIA FORTE

LADY SAILORS

LADY TROOPERS

NAVY LADY SAILORS

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with