Malapitan umukit din ng bagong record
MANILA, Philippines – Sumama sa mga record-breakers sa 85th Philippine Swimming League (PSL) National Series-All School Swim Challenge si Rio Lorenzo Malapitan ng Mindoro nang na-kagawa ng isang marka sa kompetisyon na idinaos sa Diliman College swimming pool sa Quezon City.
Isang gold medalist sa 2015 Indian Ocean All-Star Challenge sa Australia, si Malapitan ay lumangoy sa boys’50-m breaststroke kahapon sa bilis na 37.46 para lunurin ang 38.18 marka ni McTracy Alindogan noong 2012.
Nakasungkit din ng ginto si Malapitan sa larangan ng 50m freestyle at 50m butterfly bukod sa pilak sa 100m individual medley.
Ang mga naunang swimmers na gumawa ng marka sa kompetisyong suportado ni dating Sen. Nikki Coseteng ay sina Kyla Soguilon, Micaela Jasmine Mojdeh, Marc Bryan Dula at AubreyTom.
“It only shows that our grassroots development program works. Coaches from other association just keep recruiting our swimmers that have been being recognized to be good swimmers and open them perks, which they can’t resist,” wika ni PSL President Susan Papa.
Tumanggap naman ng Most Outstanding Swimmer awards sa Motivational Division ay sina Richelle Anne Callera (6-under), Danielle Emiterio (7), French Frias (8), Beatrice Li (9), Pauliene Ellyson Clemente (10), Isabel Ingrid Galura (11), Rea Celestine Santos (12), Bianca Apostol (13), Chrystel Chan (14) at Merry Meyn Sampang (15-over) sa girls’ event; at sina Jasper Benigla (6-under), Neal Sebastian Dable (7), Yvez Elezar (8), Zyldjan Ace Quemada (9), Gervin See (10), John Paul Sigue (11), Carlos Miguel Valdez (12), Joel Piodo (13), Recz Edward Agustin (14) at Lance Lewis Catotocan (15-over) sa boys’ class.
Ang torneo ay qualifying event para sa 2017 Summer World University Games sa Taipei, Taiwan.
- Latest