^

PSN Palaro

Lady Maroons may tiket na sa finals sa UAAP badminton

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, ibinulsa ng nagdedepensang University of the Philippines ang finals berth nang talunin ang Ateneo De Manila University sa 78th UAAP women’s badminton tournament noong Linggo sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Kinuha ng Lady Eagles ang 2-1 abante kung saan napilitan si Season 77 Rookie of the Year Mary Ann Marañon ng Lady Maroons na isuko ang kanyang ikalawang singles match dahil sa back pains na nagbigay ng panalo kay dating MVP Bianca Carlos.

Ngunit bumangon ang Lady Maroons sa likod nina Paola Bernardo at Elisa Concuangco sa ikalawang doubles match kontra kina Carlos at Cass Lim, 21-18, 21-18.

Rumesbak din si Lea Inlayo, nakipagtambal kay 2014 MVP Jessie Francisco sa 14-21, 21-8, 20-22 22-20 kabiguan kina Janel Dihiansan at Java de Vera sa unang doubles, sa pamamagitan ng 21-8, 22-20 panalo kay Dihiansan sa singles para selyuhan ang finals appearance ng UP.

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BIANCA CARLOS

CASS LIM

ELISA CONCUANGCO

JANEL DIHIANSAN

JESSIE FRANCISCO

LADY EAGLES

LADY MAROONS

LEA INLAYO

PAOLA BERNARDO

RIZAL MEMORIAL BADMINTON HALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with