^

PSN Palaro

Lady Bulldogs humirit pa sa V-League; Eagles kampeon sa Spikers’ Turf

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Linggo (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  Ateneo vs NU

MANILA, Philippines – Kinumpleto ng Ateneo Eagles ang makasaysa­yang 12-0 sweep sa  Spi­­kers’ Turf Collegiate Conference nang daigin ang National University Bulldogs sa apat na sets, 25-23, 25-21, 38-40, 25-19 kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Marck Espejo ay gumawa ng 18 kills at tatlong aces tungo sa 24 puntos para tulungan ang Eagles na makapagdomina sa attack at serve department para magkampeon sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Si Rex Intal ay naghatid pa ng 16 puntos at isa lamang ang hindi ginawa sa pag-atake para kunin ng Eagles ang 67-55 kalamangan sa spike.

May limang aces pa sila laban sa isa ng Bulldogs para maisantabi ang 8-10 pabor sa blocks sa NU at ang pagkakaroon ng 37 errors sa labanan.

Nanguna sa NU si B­ryan Bagunas sa kanyang 22 puntos pero hindi nila natapatan ang mas maigting na paglalaro ng Ateneo sa mahahalagang puntos na pinaglabanan para malagay sa ikalawang puwesto.

Ang kampeonato ng Eagles ang pumawi sa kabiguang hablutin ng Lady Eagles ang titulo sa Shakey’s V-League nang natalo sila sa Lady Bulldogs, 25-22, 25-17, 25-17 iskor.

Nagbalik si Dindin Ma­nabat at nagtala ng limang blocks tungo sa 12 puntos habang si Myla Pablo at Jaja Santiago ay may 12 at 13 puntos at nagsanib sa 20 attack points tungo sa 35-28 agwat  sa Ateneo.

Ang limang blocks ni Santiago ay higit sa tatlo na ginawa ng katunggali habang ang setter na si Rubie de Leon ay mayroong limang aces habang apat ang ibinigay ni Santiago para sa 11-3 dominasyon sa serve game.

Magtutuos pa sa Linggo ang Ateneo at NU at ang mananalo ang  siyang mag-uuwi ng titulo sa ligang suportado ng Shakey’s. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATENEO

ATENEO EAGLES

DINDIN MA

HOME ULTERA

JAJA SANTIAGO

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LINGGO

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
3 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with