^

PSN Palaro

Kiamco, Biado ubos sa World Cup of Pool

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumabas  ang pagiging bagito nina Carlo Biado at Warren Kiamco sa World Cup of Pool nang bumigay sila sa mahalagang tagpo ng laro kontra kina Daryl Peach at Mark Gray ng England 2 para mamaalam na sa tinamong 7-4 pagkatalo na ginawa kahapon sa York Hall sa London.

Ikalawang laro ito ng dalawang koponan at na­ngapa agad sa porma ang mga pambato ng Pilipinas para umabante sa 4-0 ang ikalawang team mula sa host country.

Isang scratch ni Peach ang nagbalik ng kumpiyansa kina Biado at Kiam­co para makuha ang sumunod na apat na racks tungo sa 4-4 tabla at ipinalagay ng mga panatiko ng mga Pinoy cue-artists na magsisimula na ang pag-arangkada ng mga ito.

Pero hindi ito nangyari  dahil nagkaroon ng mga errors sina Biado at Kiamco sa racks nine at ten bago tinapos nina Peach at Gray ang laban sa isang runout tungo sa tagumpay at pumasok na sa quarterfinals.

“There were a few twists and turns but we played well and deserved the win,” wika ni Peach.

Ang panalo ang nagpa­tibay pa sa hangarin ng England na manatili ang titulo sa kanilang bansa dahil ang nagdedepensang sina Darren Appleton at Karl Boyes ay nasa Last 8 din.

Nakontento naman sina Biado at Kiamco sa gantimpalang $4,500 para maibsan ang kabiguan na ibigay sa bansa ang ikaapat na titulo sa torneong sinalihan ng 32 koponan.

Ang pagkakatanggal ng Pilipinas ang tumapos din sa kampanya ng mga South East Asian countries na kasali nang nasibak din ang Singapore at Indonesia.

Talunan sina Aloysius Yapp at Chan Keng Kwang ng Singapore kina Mika Immonen at Petri Makkonen ng Finland, 4-7, habang sina Muhammad Simanjuntak at Irsal Nasution ng Indonesia ay lumasap ng 5-7 pagkatalo kina Babken Melkonya at Loan Ladanyi ng Romania. (AT)

ACIRC

ALOYSIUS YAPP

ANG

BABKEN MELKONYA

BIADO

CARLO BIADO

CHAN KENG KWANG

DARREN APPLETON

DARYL PEACH

IRSAL NASUTION

KARL BOYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with