^

PSN Palaro

TNT itutuloy ang misyong Grand Slam

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT itutuloy ang misyong Grand Slam
Lalabanan ng No. 6 Tropang 5G ang No. 3 Magnolia Hotshots nga­yong alas-7:30 ng gabi matapos ang pagkikita ng No. 2 NLEX Road Warriors at No. 7 Rain or Shine Elasto Painters sa alas-5 ng hapon sa quarterfinal round ng PBA Season 49 Philippine Cup sa Phil­sports Arena sa Pasig City.
PBA Image

MANILA, Philippines — Dito malalaman kung maisasakatuparan ng TNT Tropang 5G ang misyon para sa PBA Grand Slam.

Lalabanan ng No. 6 Tropang 5G ang No. 3 Magnolia Hotshots nga­yong alas-7:30 ng gabi matapos ang pagkikita ng No. 2 NLEX Road Warriors at No. 7 Rain or Shine Elasto Painters sa alas-5 ng hapon sa quarterfinal round ng PBA Season 49 Philippine Cup sa Phil­sports Arena sa Pasig City.

Bitbit ang ‘twice-to-beat’ advantage, isang panalo lang ang kailangan ng Magnolia at NLEX para makapasok sa best-of-seven semifinals series.

Puntirya ng TNT ang kanilang ikatlong sunod na korona ngayong season matapos pagharian ang mga nakaraang PBA Governor’s Cup at Commissioner’s Cup.

Tinalo ng Hotshots ang Tropang 5G sa una nilang pagtutuos, 83-88, sa eliminations noong Hunyo 13.

Ito ang ikalawang sunod na kamalasan ng TNT bukod sa pagkakaroon ni top scorer Calvin Oftana ng isang sprained ankle sa second quarter ng kanilang kabiguan sa Magnolia.

Nauna nang kumonekta ang Tropang 5G ng isang six-game winning streak matapos ang 0-3 panimula sa torneo.

Samantala, bagama’t nagtapos bilang second seed ay aminado si NLEX coach Jong Uichico na dehado sila sa Rain or Shine pagdating sa playoffs experience.

“Hindi pa kami that sea­soned, unlike Rain or Shine,” pagkukumpara ni Uichico sa Road Warriors sa Elasto Painters. “Though they are young, they have some young players, they’re already seasoned.”

Tinalo  ng NLEX ang Rain or Shine, 109-95, sa una nilang pagtutuos noong Abril 12.

“Not counted na iyon. First game nila, so we caught them off-guard, kumbaga. Iba na inilalaro nila ngayon,” wika ng 62-anyos na si Uichico, isang nine-time champion coach.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with