^

PSN Palaro

Puro na sa Ateneo Spikers

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  FEU vs UST (Game Two 3rd V-League)

3 p.m.  EAC vs NCBA (Game Two 3rd Spikers’ Turf)

MANILA, Philippines – Namuro ang Ateneo Lady Eagles para sa titulo sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference sa 25-19, 25-13, 25-21 straight sets panalo laban sa National University Lady Bulldogs kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Lumabas uli ang galing ni Alyssa Valdez sa gina­wang 15 kils, 2 blocks at 3 aces tungo sa 20 puntos, bukod sa anim na digs.

Si Kim Gequillana ay mayroon pang 10 attack points para sa 11 puntos upang hindi nangyari ang inaasahang balikatang labanan nila ng Lady Bulldogs sa panimulang laro sa best-of-three finals.

“We’re still the underdog because we have a lot of things to improve,” padehado pang pahayag ni Valdez na siyang ginawaran bilang MVP ng conference bukod sa pagiging Best Outside Spiker.

Matapos walisin ang dating kampeon FEU Lady Tamaraws ay malamya at wala sa kondisyon ang Lady Bulldogs na ma­nga­ngailangan na maipanalo ang susunod na dalawang laro para kilalaning kampeon sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Si Myla Pablo ay may 11 puntos ngunit siya lamang ang nasa double-di­gits para sa NU na hindi nakasama si Dindin Ma­nabat dahil kumakampanya pa sa torneo sa Vietnam.

Nagsikap ang NU na makaisang set at hina­wakan nila ang 20-18 abante sa ikatlong set. Pero nagtala ng mga errors ang Lady Bulldogs para sa apat na sunod na puntos ng Ateneo sa 22-20 bentahe.

Nabawi ng Lady Bulldogs ang isang puntos ngunit dalawang kills ang pinakawalan ni Jhoanna Maraguinot na pumagitna sa ace ni Gequillana para sa panalo.

Kinumpleto ng Ateneo Eagles ang dominasyon ng spikers ng paaralan sa 25-17, 25-18, 25-19  straight sets tagumpay sa NU Bulldogs sa Game One sa Spikers’ Turf Collegiate Conference Finals sa ikalawang laro.

Si Rex Intal ay may 15 puntos na pinagningning ng pitong blocks at pitong attacks habang sina Marck Espejo at Ysraell Marasigan ay naghati sa 18 puntos para sa 1-0 kalamangan sa best-of-three series.

May pitong kills at isang block si Espejo na siyang MVP ng liga habang tatlong aces ang ginawa ni Marasigan.

Dominado ng Bulldogs ang attack points, 36-31, pero durog sila sa blocks, 3-10, at wala silang naitala na service ace laban sa walo ng  Eagles.

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

ANG

ATENEO EAGLES

ATENEO LADY EAGLES

BEST OUTSIDE SPIKER

BULLDOGS

COLLEGIATE CONFERENCE

GAME TWO

LADY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with