^

PSN Palaro

Tropa ni Austria sinalanta ng injury

NB - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung magsisimula ngayon ang PBA Season 41 ay walang paraan para maidepensa ng San Miguel Beermen ang napanalunan nilang dalawang korona noong nakaraang season.

Ito ay dahil ang anim nilang core players, kasama si back-to-back MVP winner June Mar Fajardo ay may mga injury.

Si Fajardo ay kasaluku­yang may foot injury (plantar fasciitis).

“I was bothered by plantar fasciitis on both feet. It improved allowing me to join our practices for over a week. But the plantar fasciitis on my left foot has recurred,” wika ng 6-foot-10 Cebuano behemoth.

Ang point guard na si Chris Ross ay may meniscal tear, habang si Marcio Lassiter ay bumabangon mula sa hamstring partial tear at si Yancy De Ocampo ay sumasakit ang likod.

Si veteran guard Alex Cabagnot ay may tonsillitis at si Gabby Espinas ay may abscess.

Gusto ni Ross ng se­cond opinion, samantalang si Lassiter, may 5mm hamstring partial tear ay pito hanggang 10 araw magpapagaling ng kanyang injury.

Nagsagawa ang Beermen, naghari sa Philippine Cup at Governors’ Cup sa nakaraang season ng scrimmages kasama ang ilang practice players.

Samantala, nagha­handa na ang mga koponan para sa darating na season, kasama rito ang Commissioner’s Cup titlist na Talk ‘N Text na nagmula sa warm-up tourney sa Seoul at sa MVP Cup.

Nagtungo naman ang Rain or Shine sa Australia at nagsanay ang Meralco at Blackwater sa Las Vegas at Malaysia.

ACIRC

ALEX CABAGNOT

ANG

CHRIS ROSS

GABBY ESPINAS

JUNE MAR FAJARDO

LAS VEGAS

MARCIO LASSITER

N TEXT

PHILIPPINE CUP

SAN MIGUEL BEERMEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with