^

PSN Palaro

Mapua susubukan ang Letran

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

10 a.m. St. Benilde vs Jose Rizal U (Jrs)

12 nn  Letran vs Mapua (Jrs)

2 p.m.   St. Benilde vs Jose Rizal U (Srs)

4 p.m.   Letran vs Mapua (Srs)

MANILA, Philippines – Makikilatis mula nga­yon kung totohanan ang pag-angat ng host Mapua Cardinals sa pagpapatuloy ng 91st NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Cardinals ang nangungunang Letran Knights na magsisimula matapos ang unang pagtutuos ng Jose Rizal University Heavy Bombers at St. Benilde Blazers sa ganap na alas-2 ng hapon.

Anim na koponan na lamang ang palaban pa sa puwesto sa Final Four at ang Heavy Bombers ang nasa ikaanim na puwesto sa 7-6 karta.

Talsik na ang Blazers pero kailangang magtrabaho ang Heavy Bombers dahil nais ng katunggali na magkaroon ng disenteng pagtatapos.

“Hindi puwedeng mag-relax. Hindi namin puwedeng isipin ang magiging resulta ng laro ng ibang team dahil dapat magtrabaho kami,” wika ni Meneses na tinalo sa first round ang Blazers, 67-49.

Ang Cardinals ay mayroong apat na sunod na panalo para okupahan ang ikalimang puwesto sa 8-5 karta.

Ngunit maglalaro ang koponan ng hindi kasama si coach Fortunato Co na sinuspindi ng dalawang laro matapos mapatalsik sa naipanalong laro laban sa Lyceum Pirates.

Kailangang gamitin ng koponan na motibasyon ang pangyayari sa kanilang mentor dahil ang laro laban sa Knights ang panimula sa mabigat na asignatura na magdedetermina kung aabante pa ang Cardinals.

Nanaig ang tropa ni coach Aldin Ayo sa Cardinals sa unang pagkikita, 80-77, pero nakikita niya na magiging mahigpitan uli ito dahil kita ang determinasyon ng katunggali na makapasok sa susunod na round.

“Paangat nang paangat ang laro ng Mapua kaya hindi sila puwedeng biruin,” wika ni Ayo na sasandal uli sa mga beteranong sina Mark Cruz, Kevin Racal at Rey Nambatac para lumayo pa sa mga naghahabol para sa u­nang dalawang puwesto sa pagtatapos ng elims na magkakaroon ng twice-to-beat sa semifinals.

vuukle comment

ACIRC

ALDIN AYO

ANG

ANG CARDINALS

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL U

MAPUA

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with