^

PSN Palaro

Philippine Volcanoes durog sa Hong Kong, Japan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalalagay sa peligro ang hangaring suporta mula sa POC at PSC para sa gagawing kampanya ng Philippine Volcanoes sa qualifying event para makapasok sa 2016 Rio Olympics.

Ito ay dahil sa masaklap na pagkatalo sa Hong Kong at Japan sa idinaos na Asian 7’s series sa Qing­­dao, China nitong nagdaang Sabado at Linggo.

Hindi nakaporma ang Volcanoes sa Hong Kong tungo sa 45-0 pagkatalo habang nasayang ang 5-0 panimula ng Pilipinas sa Japan nang umiskor ang huli ng 26 sunod na  puntos tungo sa 5-26 pagkatalo.

Ang pakonsuwelo ng Volcanoes ay ang 19-17 panalo sa Malaysia para mapangatawanan ang pagiging number one team sa hanay ng South East Asia.

Ang Volcanoes ay nanalo ng ginto sa Singa­pore SEAG at naunang nagpahayag ang mga matataas na opisyal ng koponan na kaya nilang pumasok sa Olympics dahil matibay ang binuong koponan para talunin ang Japan.

Unang round pa lamang ang torneo sa Asian 7’s sa China at sasalang pa ang bansa sa Round 2 sa Sept.  26 at 27 sa Bangkok, Thailand hanap na makaganti sa mga dumurog sa kanila para manatiling nakabukas ang pintuan sa suporta ng POC at PSC.

Ang Rio qualifier ay ga­gawin mula Nobyembre 7 at 8 sa Hong Kong. (AT)

ACIRC

ANG

ANG RIO

ANG VOLCANOES

HONG KONG

ITO

LINGGO

NALALAGAY

PHILIPPINE VOLCANOES

RIO OLYMPICS

SOUTH EAST ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with