Azkals sasagupain ang Uzbeks sa qualifiers
MANILA, Philippines - Katulad ng mga asong kalye ay walang mararamdamang takot ang Philippine Azkals sa pagharap ngayong gabi laban sa 75th ranked team na Uzbekistan sa Philippine Stadium sa Bocaue, Bulacan.
“We are the Azkals and we are going to bite left and right,” pahayag ni Azkals’ coach Thomas Dooley na sinamahan ni team captain Phil Younghusband sa pre-match press conference kahapon sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.
Nakatakda ang laro sa alas-8 ng gabi at pakay ng 125th ranked na Azkals ang ikatlong sunod na panalo para sa 9 puntos upang makasalong muli ang North Korea sa liderato sa Group H sa 2018 World Cup Qualifiers.
Sa kabilang banda, hanap ng Uzbekistan na masundan ang 1-0 panalo sa Yemen para matabunan ang unang pagkatalo sa North Korea (0-2).
Noong Linggo ng gabi dumating sa bansa ang Uzbekistan at kahit pagod pa ay aminado si Dooley na hindi magiging madali ang pakay na panalo .
“They are a great team and they will show what football is all about. We may lose, but we may win also if the players fight, which I think they will,” ani Dooley.
- Latest